Series
Glacé January 1
![]() |
| Ops, ops, makatama ka ha! |
Sa French crime drama na ito, isang kahindik-hindik na bagay ang nadiskubre sa mga bundok ng French Pyrenees. Dalawang pulis ang susubukang malaman kung ano ang nangyari at sino ang mga involved.
Comedians in Cars Getting Coffee January 5
![]() |
| Hahaha! Tumatawa ako kase anlayo ng byahe naten, magkakape lang pala tayo! |
Bida rito si Jerry Seinfeld kasama ang iba't-ibang komedyante kung saan nakasakay sila sa isang kotse papunta sa coffee shop at nagkukuwentuhan ng kung anu-ano. Naka 9 na seasons na ito sa ibang istasyon pero ang pangsampu ay sa Netflix ipalalabas.
Babylon Berlin January 30
![]() |
| Papunta silang lahat ng cr, nang may sumigaw ng "barado ang kubeta!" |
Ang taon ay 1929. Isang German detective ang iniimbestigahan ang isang porn ring na pinatatakbo ng mga Russians sa Berlin. Sa panahon ding ito ay unti-unting nagiging makapangyarihan ang Nazi.
Movie
The Polka King January 12
![]() |
| Sino rito ang open-minded. Ikaw na nakagreen? |
Ang komedyanteng si Jack Black ay gaganap bilang si Jan Lewan, isang Polish immigrant na naging King of Pennsylvania Polka. Sa kagustuhang yumaman ay nainvolve siya sa Ponzi scheme or pyramid scam sa atin. Ito ay ibinase sa docu na The Man Who Would Be Polka King na ipalalabas sa parehong araw.
Open House January 19
![]() |
| Ako ang gagamit ng remote, ugh... Ah, uunahan mo pa ako ha? |
Isang mag-ina ang malalagay sa danger sa bago nilang bahay. Bida si Dylan Minnette ng 13 Reasons Why
A Futile and Stupid Gesture January 26
![]() |
| Kill Will Forte's hair |
Ito ang kuwento kung paano naging matagumpay ang comedy/satire magazine na National Lampoon na nasa ilalim ng henyo pero problemado na si Doug Kenney.
Anime
Devilman Crybaby January 5
![]() |
| Nasobrahan sa tan |
Para i-celebrate ang ika-50 years ng career ni Go Sagai, ay ginawang pelikula ang biggest manga hit niya, ang Devilman. Tungkol ito sa teenager na si Akira Fudo na naging si Devilman matapos mapossess ng demon na si Amon.
Documentaries
Rotten January 5
![]() |
| Wala akong kasalanan. Pinadala lang ako ni Colonel! |
Isa itong 6-part docu series at itatalakay dito kung paanong niloloko na tayo ng mga higanteng food industries para lang kumita sila ng limpak-limpak.
Dirty Money January 26
![]() |
| E ano ngayon kung marumi? Pera pa rin iyan! Gusto ko pa rin iyan! |
Kung ang Rotten ay tungkol sa kalokohan ng food industry, dito naman ay i-eexpose ang mga kabalbalan ng iba't-ibang business sectors.
Ihanda na ang space ng inyong mga phones para idownload ang mga shows na ito!









































