Tuesday, November 28, 2017
SEASON 1 EPISODE 1: THE SINNER
Naaalala nyo ba si Jessica Biel? Siya ang gumanap na, pangalawa sa limang magkakapatid na anak ni Reverend Camden sa feel-good family drama na 7th Heaven. Muli siyang nagbabalik sa telebisyon ngayon sa isang crime/psychology drama, ang The Sinner, na mapapanood sa Netflix.
Si Jessica ay si Cora Tanning isang regular young working mother na si di malamang dahilan ay brutal na pinagsasaksak hanggang mapatay ang isang lalaking nagngangalang Frankie Belmont sa beach. Ang tanging dahilan lang niya ay maingay magpatugtog ang lalaki. Ang humawak ng imbestigasyon ay si Detective Henry Ambrose na ginampanan ni Bill Pullman (siya iyung presidente sa Independence Day).
Sa kanyang pagiimbistiga ay natuklasan niyang maaaring kilala talaga ni Cora si Frankie, dahil ayon sa isang witness ay nakita niya sa mukha ni Frankie na kilala niya ang babae at nagpaubaya itong magpasaksak.
Sa mga memory flashbacks naman ay nakita natin ang mga ilang munting eksena ng kabataan ni Cora. Nung bata siya, sa kanya isinisi ng kanilang madasaling ina kung bakit mahina at sakitin ang kanyang bunsong kapatid.
Bago matapos ang unang episode ay tinanong ng korte kung ano ang plea ni Cora. Natapos ang eksena na hindi pa sumasagot si Cora kaya sa episode 2 pa natin malalaman.
Natural, panonoorin ko ang susunod dahil nabitin sa plea. Pero kahit nagkaganon sa ending, gusto ko pa ring malaman kung bakit niya pinatay ang lalaki. Mukhang may malalim at masalimuot na dahilan at ito ang magpapanatili ng interes kong panoorin ang buong season ng The Sinner.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
HINDI LANG SI SABRINA ANG BIDA SA HULING LINGGO NG OCTOBER. PATI SI ADAM SANDLER
In the final week of October, ang obvious na bida ay ang Chilling Adventures of Sabrina. Isa na naman itong reimagining ng characters mula s...
-
Ngayong Mayo magpapatawa sina (clockwise) Kimmy, Carol, Martin & Martin! Parang buwan ng komedya ngayong Mayo sa Netflix. Ang mga b...
-
Kung ang hilig nyo ay mga programang mystery-suspense at iyung tipong may pagka-soap opera, subukan ninyong panoorin ang Safe. Ang kwent...
-
Marami sa atin ang excited sa year 2018, dahil ang mga Netflix series na kinagiliwan natin ay magbabalik. Ano na ba ang mga balita sa kanil...
No comments:
Post a Comment