Tuesday, October 24, 2017

NETFLIX ORIGINAL:THE BABYSITTER

Dahil Halloween season na naman ay uso muli ang mga pelikulang nakakatakot.  May mga pelikulang tungkol sa mga multo tulad ng Poltergeist at Paranormal Activity. Meron ding tungkol sa mga halimaw gaya ng The Host at Werewolf in Paris. At ang isa pang kategorya ay ang mga slasher movies o iyung ang takot ay gawa ng mga bayolenteng pagpatay dahil sa may sakit sa pag-iisip ang kriminal.

Sa huli maaaring ikategorya ang bagong orihinal na pelikula ng Netflix, ang The Babysitter.
Parang 80's poster!

Makikilala natin dito ang batang laging inaapi sa eskwela na si Colin at ang kanyang magandang yaya na si Bee. Isang gabing wala ang mga magulang niya, natuklasan niyang miyembro ng isang kulto si Yaya at sa mismong bahay nila ginawa ang isang pagpatay bilang bahagi ng kanilang ritwal. Ano ang gagawin ni Colin para mapigil ang grupong ito?
Lugi. Nakatali ako!

Bagama't nakakatakot at bayolente, ito ay isa ring comedy. Para itong more gruesome version ng Home Alone ni Macaulay Culkin. Gugulatin at ka patatawanin. Ang direktor nito ay si McG na nakilala sa pagdirek ng dalawang Charlie's Angels movies. Maaaring hindi natin kilala ang mga gumaganap pero nagawa naman nila ng maayos ang kanilang pagganap.

Maganda ang pelikula at talagang maaaliw lalo na ang mga fans ng mga suspense-thrillers. Isama ito sa inyong Halloween movie marathon.

No comments:

Post a Comment

HINDI LANG SI SABRINA ANG BIDA SA HULING LINGGO NG OCTOBER. PATI SI ADAM SANDLER

In the final week of October, ang obvious na bida ay ang Chilling Adventures of Sabrina. Isa na naman itong reimagining ng characters mula s...