Saturday, December 2, 2017

ANONG BAGO SA NETFLIX NGAYONG DECEMBER 2017

Ano ba yan? Di pa natin tapos ang sankaterbang mga nasa continue watching list natin, may mga bago na namang palabas sa Netflix. May 34 na mga bagong original series at movies na mapapanood natin ngayong buwan ng Pasko. Narito ang mga gusto kong panoorin

TV Series:

DARK -Dec 1

Di pa masyadong Dark. Alas-singko pa lang ng hapon!

Kung fan ka ng Stranger Things, magugustuhan mo ito. Supernatural din ang tema at may nawawala ring mga bata. Pero di tulad ng palabas nina El, hindi pwede mga bata rito at walang cuteness dito. Ito ang unang made in Germany series ng Netflix, kaya German din ang dialog. Pwede mong iset sa English subtitles or English-dubbed dialog.

THE CROWN (SEASON 2) - Dec 8

Ako ang Super SiReyna
7
Ang pagpapatuloy ng makulay at masalimuot na buhay ng young Queen Elizabeth.

Movies:

MY HAPPY FAMILY -Dec 1

Alis na alis na si Mother

Isang middle-aged woman ang nagdesisyong iwan ang kanyang pamilya at mamuhay mag-isa. At nagkagulo ang kanyang konserbatibo at pakialamerong pamilya sa kanyang aksyon. Bakit niya ginawa iyon? Ang kumain kaya ng cake na walang magbabawal?


BRIGHT - Dec 22

Hindi pwede si Tommy Lee Jones

Pati si Will Smith pinasok na rin ang Netflix. Sa pelikulang ito ay nabubuhay ang mga tao kasama ang mga kakaibang nilalang. Pulis si Will at ang partner niya ay isang orc. Sa isang pambihirang pagkakataon ay kailangan nilang protektahan ang isang elf at isang misteryoso at makapangyarihang bagay.

Docu:

VOYEUR - Dec 1

Ito ang tunay na Kita Kita
Kung ikaw ay isang bosero, tumigil ka na. Baka magulat ka na lang at gawan ka ng docu ng Netflix. Tulad nitong si Gerald Foos na pinanonood ang mga guests ng kanyang hotel na di nila nalalaman.

WORMWOOD -Dec 15

Sandale, nakalimutan ko magpantaloooonnn!!!

Pinaghalong documentary at fiction, isasalaysay dito kung paanong nung 1975 ay gumawa ng experiment ang CIA ng US sa pamamagitan ng LSD para macontrol ang mga tao. Isa sa hinihinalang naging biktima nito na si Frank Olsen ay natagpuang patay.  Kung paanong namatay si Olsen ay tatalakayin din dito.



No comments:

Post a Comment

HINDI LANG SI SABRINA ANG BIDA SA HULING LINGGO NG OCTOBER. PATI SI ADAM SANDLER

In the final week of October, ang obvious na bida ay ang Chilling Adventures of Sabrina. Isa na naman itong reimagining ng characters mula s...