Monday, December 11, 2017

MGA PROGRAMANG PAMASKO SA NETFLIX

Yes! Pasko na naman! Bigayan na naman ng mga regalo! Kakain na naman tayo ng bibingka, morcon, lechon, paella at fruit salad! At siyempre, family reunion!
May ribbon pa!


Hindi pahuhuli ang Netflix sa selebrasyon dahil meron din syang mga palabas para sa Pasko. Kaya ito, inilista ko ang mga paborito kong Christmas movies na pwede nyong panoorin pantanggal inip habang hinihintay ang Noche Buena.

A CHRISTMAS STORY
Isang bata noong 1940 ang susubukang mapilit ang kanyang mga magulang na regaluhan siya ng Red Ryder BB gun kahit ayaw ng mga ito! Comedy ito at lubhang nakakatawa. Isa sa best Christmas movies of all time.
Hindi nga ako giniginaw. Hindi naman ako makahinga!

ELF
Bida rito ang isa sa favorite comedians ko, si Will Ferrell. Siya si Buddy the Elf, isang taong aksidenteng napunta sa North Pole nung baby pa lang siya. Bumalik siya ng New York upang hanapin ang kanyang tunay na ama.

IT'S A WONDERFUL LIFE
Tatalon na sana mula sa tulay si George Bailey pero napigil siya ng isang anghel at ipina-unawa sa kanya kung ano ang halaga ng kanyang buhay sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanya ng kung anong mangyayari kung hindi sya ipinanganak. Ang 1946 classic na ito ay paboritong panoorin sa US tuwing Pasko at pinagbibidahan ng paborito kong si James Stewart.
Kung alam lang ng mga itong wala akong dala.



ARTHUR CHRISTMAS
Isang bata ang hindi nabigyan ng Pamasko dahil sa isang pagkakamali ng mga tauhan ni Santa. At desidido ang anak ni Santa na si Arthur na ayusin ito. Animated ito at tiyak na magugustuhan ng mga bata.
Christmas sweaters. We know you have one

DECK THE HALLS
Away magkapitbahay dahil sa mga Christmas displays ng obsessed na si Buddy na talo pa ang mga bahay sa Policarpio street. Sure na may kilala kayong tulad nila. Bida sina Danny DeVito at Matthew Broderick sa comedy na ito.
Nope. This is not Twins. It's a different movie

THE POLAR EXPRESS
Isang bata ang nagkaroon ng pagkakataon na makasakay sa Polar Express papuntang North Pole para makita si Santa Claus. Ito ay 3D animation na magugustuhan ng mga bata. Kasama rito si Tom Hanks. Hulaan nyo kung sino siya doon.

SCROOGED
Isang salbaheng TV executive ang tuturuan ng leksiyon tungkol sa pakikipagkapwa-tao at sa kahulugan ng Pasko. Kung pamilyar kayo sa kuwentong A Christmas Carol, dun binase ang comedy classic na ito. Bida si Bill Murray na isang comedy god para sa mga Gen-Xers.

CHRISTMAS WITH THE KRANKS
Imbes na magcelebrate ng Pasko sa bahay nila ay nagdesisyon silang magCarribean cruise. Pero di ito nagustuhan ng mga neighbors. At magkakaproblema sila ng tumawag ang kanilang daughter na nasa Peru at sinabing uuwi para magPasko kasama ang kanyang fiancè.
Can't help it. I love Christmas trees!


NATIONAL LAMPOON'S CHRISTMAS VACATION
Kung pamilyar kayo sa Vacation movie franchise, ito ang pangPasko nila. Naghahanda ang Grisworlds family para sa pagdiwang ng Pasko pero as usual puno na naman ng kapalpakan.

MARIAH CAREY'S MERRIEST CHRISTMAS
Christmas special ni Mariah at kakantahin niya ang kanyang mga Christmas hits. Guest si Babyface.

O ayan pili na ng panonoorin para gumanda ang mood para sa Pasko. Or panoorin lahat at magChristmas movie marathon!

No comments:

Post a Comment

HINDI LANG SI SABRINA ANG BIDA SA HULING LINGGO NG OCTOBER. PATI SI ADAM SANDLER

In the final week of October, ang obvious na bida ay ang Chilling Adventures of Sabrina. Isa na naman itong reimagining ng characters mula s...