Tuesday, November 7, 2017

SEASON 1 EPISODE 1: ALIAS GRACE



Mahilig ako sa mga period stories. Ang period story ay yaong mga kwento na ang panahon ng kaganapan ay mga unang panahon. Kasama sa kategoryang ito ang bagong series ng Netflix ang Alias Grace. Mula sa pananamit hanggang sa paraan ng pananalita ng mga tauhan ay damang-dama mo ang 19th century Canada. Nalalasahan mo ang hangin ng panahong iyon.

Makikilala natin si Grace Marks, 15 years nang nakakulong dahil sa pagpatay sa dati niyang amo at sa isa pang katulong nito. Ang sinasabing naging accomplice niya na si James McDermott ay binigti. Si Grace ay nakatuwaan ng mga nakatira sa bahay ng prison governor. Kumuha pa sila ng psychiatrist, si Dr. Simon Jordan, para kapanayamin si Grace at pag-aralan kung maaari itong makalaya. Hindi kasi maalala ni Grace kung pinatay nga ba niya ang amo at katulong kahit na may mga pa-unti-unting flashback siya ng mga naganap.

Gusto ko sanang sabihing "I did not kill anybody!", pero parang may nagsabi na nun!

Sa interview din ni Doc Jordan ay na-witness din natin sa isang mahabang backstory kung paanong mula sa Ireland ay napadpad ang pamilya ni Grace sa Canada. Namatay sa barko ang kanyang ina at sinubukan naman siyang halayin ng kanyang ama. Dito ay naisipan na niyang patayin ang ama, di nga lang natuloy. Maaari kayang indikasyon ito na may kakayahan siyang pumatay? Nabanggit din niya ang pangalang Mary Whitney, na nung una ay alyas lang daw nya pero nung lumaon ay isa ring katulong na nakatrabaho niya. Pero sino ba talaga si Mary Whitney?

Napakagaling ng pagganap dito ni Sarah Gadon bilang si Grace. Nagagawa niyang pag-ibahin ang kanyang mukha kapag hinihingi ng eksena tulad ng isang hindi talaga gagawa ng mabuti papunta sa mukha ng hindi makabasag-pinggan.

Naibigan ko rin ang lengguwahe at ang dialog na pag-iisipin ka kung matino ba itong si Grace o may sayad talaga. Sa akin, ang dami niyang sinabi sa isip niya na halatang may tama talaga ang babaing ito.

Kung ipagpapatuloy ko ang panonood nito, ang tugon ko ay oo. Nasasabik na akong malaman kung mailalabas ni Dr. Jordan ang nawawala (o tinatago) na mga memories ni Grace tunngkol sa pagpatay.

No comments:

Post a Comment

HINDI LANG SI SABRINA ANG BIDA SA HULING LINGGO NG OCTOBER. PATI SI ADAM SANDLER

In the final week of October, ang obvious na bida ay ang Chilling Adventures of Sabrina. Isa na naman itong reimagining ng characters mula s...