Thursday, December 28, 2017

ANONG BAGO SA NETFLIX NGAYONG JANUARY 2018

Happy new year, friends. At para sa bagong taon may mga bago na naman tayong panonoorin sa Netflix. Isama nyo na sila sa listahan ng inyong 'continue watching'.



Series

Glacé January 1

Ops, ops, makatama ka ha!

     Sa French crime drama na ito, isang kahindik-hindik na bagay ang nadiskubre sa mga bundok ng French Pyrenees. Dalawang pulis ang susubukang malaman kung ano ang nangyari at sino ang mga involved.

Comedians in Cars Getting Coffee January 5

Hahaha! Tumatawa ako kase anlayo ng byahe naten, magkakape lang pala tayo!

     Bida rito si Jerry Seinfeld kasama ang iba't-ibang komedyante kung saan nakasakay sila sa isang kotse papunta sa coffee shop at nagkukuwentuhan ng kung anu-ano. Naka 9 na seasons na ito sa ibang istasyon pero ang pangsampu ay sa Netflix ipalalabas.

Babylon Berlin January 30

Papunta silang lahat ng cr, nang may sumigaw ng "barado ang kubeta!"

     Ang taon ay 1929. Isang German detective ang iniimbestigahan ang isang porn ring na pinatatakbo ng mga Russians sa Berlin. Sa panahon ding ito ay unti-unting nagiging makapangyarihan ang Nazi.

Movie

The Polka King January 12

Sino rito ang open-minded. Ikaw na nakagreen?

     Ang komedyanteng si Jack Black ay gaganap bilang si Jan Lewan, isang Polish immigrant na naging King of Pennsylvania Polka. Sa kagustuhang yumaman ay nainvolve siya sa Ponzi scheme or pyramid scam sa atin. Ito ay ibinase sa docu na The Man Who Would Be Polka King na ipalalabas sa parehong araw.

Open House January 19

Ako ang gagamit ng remote, ugh...
Ah, uunahan mo pa ako ha?

     Isang mag-ina ang malalagay sa danger sa bago nilang bahay. Bida si Dylan Minnette ng 13 Reasons Why

A Futile and Stupid Gesture January 26

Kill Will Forte's hair

     Ito ang kuwento kung paano naging matagumpay ang comedy/satire magazine na National Lampoon na nasa ilalim ng henyo pero problemado na si Doug Kenney.

Anime

Devilman Crybaby January 5

Nasobrahan sa tan


Para i-celebrate ang ika-50 years ng career ni Go Sagai, ay ginawang pelikula ang biggest manga hit niya, ang Devilman. Tungkol ito sa teenager na si Akira Fudo na naging si Devilman matapos mapossess ng demon na si Amon.

Documentaries

Rotten January 5

Wala akong kasalanan. Pinadala lang ako ni Colonel!


Isa itong 6-part docu series at itatalakay dito kung paanong niloloko na tayo ng mga higanteng food industries para lang kumita sila ng limpak-limpak.

Dirty Money January 26

E ano ngayon kung marumi? Pera pa rin iyan! Gusto ko pa rin iyan!

Kung ang Rotten ay tungkol sa kalokohan ng food industry, dito naman ay i-eexpose ang mga kabalbalan ng iba't-ibang business sectors.

Ihanda na ang space ng inyong mga phones para idownload ang mga shows na ito!

No comments:

Post a Comment

HINDI LANG SI SABRINA ANG BIDA SA HULING LINGGO NG OCTOBER. PATI SI ADAM SANDLER

In the final week of October, ang obvious na bida ay ang Chilling Adventures of Sabrina. Isa na naman itong reimagining ng characters mula s...