Wednesday, January 3, 2018

KAILAN ANG MGA BAGONG SEASON NG MGA PABORITO NATING NETFLIX SERIES?

Marami sa atin ang excited sa year 2018, dahil ang mga Netflix series na kinagiliwan natin ay magbabalik.  Ano na ba ang mga balita sa kanila? Ito ang mga nahagilap ko sa Internet.

Sure ka, hindi si Count Olaf yung cashier kanina?

A SERIES OF UNFORTUNATE EVENTS Season 2
   May premiere date na ang nakatatawa at nakaiinis na serye. Sa March 30, matutunghayan muli natin ang mga Bauledaire kids sa pagtuklas sa sikreto ng kanilang pamilya at sa paglaban sa mga kapahamakang gustong gawin sa kanila ni Count Olaf.

Babalik ba kaming apat? Depende

JESSICA JONES Season 2
     Ang paborito nating tormented, super-powered, alcoholic private investigator ay magbabalik sa March 2.

DAREDEVIL Season 3
     Noong 2016 pa inannounce ang 3rd season ng Daredevil pero dahil ang 2017 ay nakafocus sa The Defenders, kung saan andun si DD, sa 2018 ipalalabas ito. At babalik ang crime lord na si Wilson Fisk.

LUKE CAGE Season 2
     Nagtataping na sila sa New York at matatapos daw sa March 2018 kaya malamang sa ber months na ulit natin makikita ang man with the unbreakable skin.

IRON FIST Season 2
     Nagsimula pa lang silang magshoot nitong December kaya malamang late na ito maipapalabas. Sana isuot na nya ang kanyang yellow and green na costume tulad ng sa comics.

Wag kayong magbintang. Hindi ako 'yon!

MINDHUNTER Season 2
     Di pa man naipapalabas ang season 1 ng crime-drama na ito ay inorder na ng Netflix ang paggawa ng kasunod. Dahil magiging busy ang direktor na si David Fincher sa sequel ng movie na World War Z, sa ber months na ito ipapalabas.

Ang bagong housemates

STAR TREK : DISCOVERY Season 1 remaining 6 episodes
     Napanood na natin ang 9 episodes ng season 1 pero di pa tapos ang season dahil may 6 episodes pa. Nagbakasyon lang muna ang palabas na style ng mga series na pinalalabas sa traditional TV tulad ng The Walking Dead.  Sa January 8, matutunghayan muli natin ang paglalakbay ng starship Discovery. Ang season 2 ay may tentative release year na 2019.

ANNE WITH AN E Season 2
     Magbabalik ang freckle-faced redhead ngayong 2018 pero wala pang petsa. Kinukunan na ang principal photography.

Ampunin nyo na me. Wag na kayo choosy!






No comments:

Post a Comment

HINDI LANG SI SABRINA ANG BIDA SA HULING LINGGO NG OCTOBER. PATI SI ADAM SANDLER

In the final week of October, ang obvious na bida ay ang Chilling Adventures of Sabrina. Isa na naman itong reimagining ng characters mula s...