Wednesday, June 6, 2018

MAIKLING REBYU: SAFE

Kung ang hilig nyo ay mga programang mystery-suspense at iyung tipong may pagka-soap opera, subukan ninyong panoorin ang Safe.

Ang kwento ay nangyari sa isang gated community sa UK. Ang bida ay si Tom isang balong surgeon na ginagampanan ni Michael C. Hall na kilala sa mga programang Dexter at Six Feet Under. Isang gabi ay umattend sa isang party ang kanyang dalagang anak na si Jenny at hindi ito umuwi.

Nalaman niyang kasama ng anak niya sa party ang boyfriend nitong si Chris na nawawala rin. Mabuti na lang nandyan ang kaibigan niyang doctor din na si Pete at ang bago niyang girlfriend na pulis na si Sophie, para tulungan siya. At sa kanilang paghahanap, ay marami pang mga sikretong nabunyag.

Para tuloy kakatwang sabihin na "safe" ang kanilang tinitirhan na saradong komunidad, kung ang mga peligro ay nasa loob mismo.

Mabilis ang pacing ng palabas at ito ay 8 episodes lang. Kada episode ay laging may kasagutan sa isang misteryo ngunit may kaakibat agad itong bagong mga tanong.  Panoorin at subukan kung mahuhulaan ninyo kung ano ang mga mangyayari.

No comments:

Post a Comment

HINDI LANG SI SABRINA ANG BIDA SA HULING LINGGO NG OCTOBER. PATI SI ADAM SANDLER

In the final week of October, ang obvious na bida ay ang Chilling Adventures of Sabrina. Isa na naman itong reimagining ng characters mula s...