![]() |
| Nood na! |
ALIAS GRACE (SERIES) NOV 3
Si Grace ay isang Irish housemaid na nakulong nuong 1843 dahil sa pagpatay sa kanyang amo. Ngunit sinasabi niyang wala siyang naaalalang ginawa niya ito kahit na lahat ng ebidensiya ay nakaturo sa kanya. Isang dekada ang lumipas, isang doktor ang tutulong na maibalik ang memorya niya tungkol sa krimen.
![]() |
| Hindi sila half-sisters |
BLAZING TRANSFER STUDENTS (SERIES) NOV 10
Binase sa manga ng parehong titulo ang live-action Japanese seties na ito. Pitong estudyante na iisa ang pangalan ang nagkasama sa iisang eskwela para sa isang misyon. At lahat sila may powers!
JIM AND ANDY: THE GREAT BEYOND (DOCU) NOV 17
Nang gumanap si Jim Carrey bilang ang namayapang komedyante na si Andy Kauffman sa pelikulang The Man On The Moon noong 1999, ay talagang tinularan niya si Andy maging sa likod ng kamera. At ikinasakit ito ng ulo ng mga nakatrabaho niya sa set. Maraming taong itinago ang mga behind-the-scenes footage ng mga pinaggagagawa ni Carrey sa paniniwalang baka makaapekto ito sa pelikula at sa career ni Jim. Ngayon ay ilalabas lahat ito sa isang documentary kasama ng mga interview kina Carrey at iba pang involved sa Kauffman biopic.
MARVEL'S THE PUNISHER (SERIES) NOV 17
Si Jon Berthal ay unang ipinakilala bilang The Punisher sa 2nd season ng Daredevil. Ngayon ang bayolenteng vigilante ay may sarili nang series. Mag-gi-guest kaya ang mga Defenders?
![]() |
| Paparusahan kita. Pero hindi ka magsisisi. Paano pa e, dedo ka na! |
MUDBOUND (MOVIE) NOV 17
Dalawang lalaki, isang white at isang black, ang nagbalik sa Mississippi mula sa giyera. Kung akala nila ay tapos na sila sa pakikibaka may mas matindi pa silang laban na bubunuin sa pagpapatuloy ng kanilang normal na buhay.
GODLESS (SERIES) NOV 22
Hinahanap ni Frank, isang outlaw, ang dati niyang partner at ngayo'y kaaway na si Roy. Sa kanilang habulan ay napadpad sila sa La Belle, New Mexico kung saan puro babae ang nakatira.
Ngayong buwan din ang mga bagong seasons ng comedy na Lady Dynamite (Nov 10), ang pinagbibidahang petiod drama ni Jason "Aquaman" Momoa na Frontier (Nov 24), ang resurrection drama na Glitch (Nov 28) at ang huling season ng Western drama na Longmire (Nov 17).
Ihanda na ang mga kukutkutin na tsitsirya. Mahaba-habang panooran na naman ito!



No comments:
Post a Comment