May mga bago na naman tayong aabangan na mga Netflix Original Shows and Movies ngayong October.
***Tandaan: kapag sinabing Netflix Original, ito ay produced ng Netflix at available sa lahat ng Netflix regions habambuhay (o hanggang may Netflix). May mga shows na mapapanood sa Netflix na hindi nila gawa at ang buhay nito sa Netflix ay sa kung hanggang kailan lang nakasaad sa kontrata. Kung mapagkakasunduan ng Netflix at ng mga producers ng ibang non-Netflix shows ay maaaring ma-renew ang kontrata. Maliwanag?
Buweno, simulan nating himayin kung anong mga bagong palabas ang mapapanood natin sa Netflix.
Suburra (Oct 6) Series
Ito ay isang political drama tungkol sa pagkakaugnay ng organized crime at pulitika sa Rome. Ito ang unang Italian series ng Netflix. May sampung episodes sa unang season nito.
Mindhunter (Oct 13) Series
Tungkol ito sa 2 FBI agents at ang mga kasong hawak nila na kinasasangkutan ng mga psychopaths. Para daw itong Criminal Minds na mas darker ang tono.
![]() |
| Adam Sandler, bida sa The Meyerowitz Stories |
The Meyerowitz Stories (Oct 13) Movie
Pang-apat na pelikula na ito ni Adam Sandler sa Netflix. Malalaking artista ang mga kasama niya rito tulad nina Dustin Hoffman, Ben Stiller at Emma Thompson. Sinasabi rin nila na ito ang pinakamaganda sa lahat ng nagawa ni Sandler para sa Netflix.
1922 (Oct 20 ) Movie
Tamang-tama para sa Halloween ang pelikulang ito na halaw sa libro ni Stephen King. Tungkol ito sa confession ng isang lalaki na pumatay sa kanyang asawa at kung paano ito bumalik para guluhin ang buhay niya.
Wheelman (Oct 20) Movie
Isang getaway driver ng isang palpak na bank robbery ang kailangang magtago para sa kanyang safety at ng kanyang dalagitang anak. Kailangan din nyang malaman kung sino ang nagtraydor sa kanya na naging sanhi ng pagkagulo ng kanyang buhay.
![]() |
| Si Eleven, nagbabalik sa Stranger Things Season 2 |
Stranger Things - Season 2 (Oct 22) Series
Ang 80s-tribute horror series na isa sa biggest hit ng Netflix ay magbabalik. Buo pa rin ang barkada at ngayon ay mahaharap sila sa isang bagong pagsubok na mas matindi pa sa nakalaban nilang Demogorgon nung Season 1.
Ito pa ang ilan sa mga Netflix Originals ngayong October:
Voltron:Legendary Defenders Season 4
Patton Oswalt: Annihilation (Stand-up Comedy Special)
The Day I Met El Chapo: The Kate Del Castillo Story (Docu-series)
Kaya ihanda na ang popcorn at Halloween candies. Hindi na naman tayo mababakante sa mga bagong programa ng Netflix!



No comments:
Post a Comment