Naranasan mo na bang makipagkuwentuhan sa ang isang grupo at biglang napunta ang usapan sa mga topic na hindi mo naiintindihan? Tulad ng bakit nagpakamatay si Hannah Baker? O iyung may relasyon si Archie at ang kanyang teacher na si Miss Grundy? Bakit Orange ang bagong Black? At sino ang mga Defenders?
![]() |
| Uh... mga friends? Anong channel ba iyan? 📷 cure medical center |
Marahil ang mga kaibigan mo ay may Netflix at ikaw wala. E ano ba iyung Netflix?
Ang Netflix ay isang online streaming service. Kung meron kang magandang Internet, pwede ka ng magkaroon ng Netflix.
Anong mapapanood sa Netflix? Dito ay makapapanood ka ng mga movies at tv shows. Ng legal. Iyung mga pinagkukuwentuhan ng mga kaibigan mo, sa Netflix lang mapapanood. Wala sa tv o sa cable. Dun sumikat ang Netflix, sa mga Original Movies at TV Shows. Maaaring narinig mo na sa mga umpukan o nabasa mo sa diyaryo o sa Facebook ang mga palabas na tulad ng 13 Reasons Why, Stranger Things, The Defenders, Riverdale, Narcos, at Orange is the New Black. Sa Netflix lang meron nun.
Paano ba magkaroon ng Netflix? Kailangan mo lang gumawa ng account. Pwede kang mag-open ng account sa iyong smartphone, computer o tv na may internet. Walang mahabang form na kailangang punuin. Isang email address mo lang at credit card ay meron ka nang Netflix account.
![]() |
| Andami namang palabas 📷digital trends |
May 3 packages na pwede mong pagpilian para sa iyong account. Ang 1st package ay 370 pesos. Standard definition lang ang linaw ng mga palabas. At sa isang device ka lang pwede manood (tv, phone, computer, tablet), hindi pwede na may sumabay.
Sa 2nd package na 440 pesos, high definition (HD) na ang linaw ng mga programa. At pwede nang 2 device ang sabay na manood, kahit magkaiba ng palabas.
Ang panghuling package ay 550 pesos. HD din ang mga palabas. At hanggang 4 na device ang pwedeng magsabay-sabay. Kaya pwede nang manood si Nanay ng Star Trek sa TV, si Tatay ng Pretty Little Liars sa tablet, si Ate ng Jerry Before Seinfeld sa kanyang Samsung phone at si Bunso ng Bollywood movies sa computer. Ng sabay-sabay!
Kaya ano pang hinihintay mo? Gumawa na ng Netflix account para pasok ka na sa kwentuhan! (Or hanap ka na lang ng ibang friends!)


No comments:
Post a Comment