Tuesday, November 6, 2018

HINDI LANG SI SABRINA ANG BIDA SA HULING LINGGO NG OCTOBER. PATI SI ADAM SANDLER

In the final week of October, ang obvious na bida ay ang Chilling Adventures of Sabrina. Isa na naman itong reimagining ng characters mula sa Archie comics. At di tulad ng NAPAKABORING na Riverdale, ay mas entertaining ang Sabrina. Pero siyempre, nandiyan pa rin ang mga cliches ng American programs na gawa ng Netflix.

Anyway, meron din iba pang Netflix Originals na magaganda rin at sana ay bigyan nyo ng tsansa.

Unahin ko na ang nakatatawang live stand-up comedy performance ni Adam Sandler sa Adam Sandler: 100% Fresh. Don't miss this one.

Maganda rin yung docuseries na Terrorism Close Calls. Ikinukuwento rito ang mga attempts ng acts of terrorism na napigilan ng mga opisyal.

Subukan din ang Spanish light comedy na Jefe tungkol sa isang boss na tutulungan ng isang janitress na maresolba ang mga problema niya sa pamilya at trabaho.

Try nyo rin ang Girl From Nowhere ng Thailand. Tungkol ito sa isang misteryosong female student na nagpapalipat-lipat ng school para ibulgar ang mga iskandalo ng mga paaralan na iyon.

At ang isa pang magandang panoorin ay ang Gun City ng Spain. Isa itong political action-drama tungkol sa isang pulis mula Basque na naipit sa magulong civil war sa 1920 Barcelona.

Marami ding mga bagong pelikula ang available ngayon. Ito ay ang Fences, Radio, Batman Ninja, Home Alone 1 and 2, Alien, Zathura, Geronimo: An American Legend, Carrie, Taxi, Zombieland, The Book of Life, A Love Story, 28 Weeks Later at The Beach.


Monday, October 22, 2018

SI DAREDEVIL AT APAT NA BATANG MAKULIT BIDA SA 3RD WEEK NG OCTOBER 2018

Ang pinakabida sa linggong ito ay ang bagong season ng Daredevil. Isang episode pa lang ang napapanood ko and I'm hoping na makabawi ang season na ito sa medyo ho-hum na season 2. It's a good thing na si Kingpin muli ang main bad guy, the best villain in the Netflix side of the Marvel Universe. Well, 2nd best. Number one baddie is still Kilgrave sa Season 1 ng Jessica Jones.

May new season din ng Black Lightning pero weekly ang pagdating ng bagong episodes, di isang bagsakan lang.

May dalawang bagong Netflix original foreign movies ang nagdebut at pareho kong nagustuhan.

Ang una ay ang Indonesian film na The Night Comes For Us na tungkol sa isang Triad syndicate member na bumaligtad para iligtas ang isang batang babae sa ginawang masaker ng kanilang grupo. Hitik sa brutal na fight scenes ito at maiibigan ito ng mga action film fans.

Maganda rin naman ang Korean futuristic noir na Illang: The Wolf Brigade.  Sa near future, isang grupo ang binuo para kalabanin ang mga teroristang hindi pabor sa unification ng North at South Korea. Ang problema, may dinadalang mabigat ang grupo mula sa isang aksidenteng kinasangkutan nila.

Isang bagong comedy series ang nagdebut din this week, ang Best. Worst. Weekend. Ever. Oo, iyan talaga ang title. Tungkol ito sa tatlong magkaibigan na fan ng isang comicbook na nais ma-meet ang kanilang idolong comic writer.

Siyempre, Halloween month kaya may katatakutan ding programa. Ito ang Haunted. Ikukuwento rito ng iba-ibang mga tao na naranasan nilang mga kababalaghan. Parang Gabi Ng Lagim ng KMJS ang style ng show nito.

Mga bagong movies na nadagdag nitong week ay ang Child's Play 3, The Incredible Hulk, Snow White and The Huntsman, Bean: The Movie, Les Miserables, Couples Retreat, Dr. Seuss' The Lorax, Eternal Sunshine of the Spotless Mind, This is 40, Savages, Contraband, Public Enemies, American Gangster, Bridget Jones' Diary, Along Came Polly at ilang American Pie movies. May bagong season ng Vampire Diaries at meron pang isangkaterbang mga Koreanovela!

Tuesday, October 16, 2018

NEW TO NETFLIX: OCTOBER 8 TO 15

Dahil produktong Kano ang Netflix, siyempre kailangan may Halloween feels ang mga palabas nila ngayong October.


Una na ang pelikulang Apostle. Ang taon ay 1905, at isang lalaki ang pupunta sa isla ng isang kulto upang iligtas ang babaing kapatid na kinidnap ng mga cult leaders. Ngunit isang nakapapangilabot na sikreto ng isla ang mabubunyag.

Sunod naman ang Errementari: The Blacksmithand The Devil.  Gawa itong pelikula sa Basque at tungkol naman sa isang panday na meron ding nakakapangilabot na sikreto na mabubunyag naman ng isang batang babae.


Para maiba naman, subukang panoorin ang The Curious Creations of Christine McConnell. Para itong pinaghalong Martha Stewart, Sesame Street at Addams Family. Panoorin nyo at nakakatawa. Pero hindi siya pambata ha?


Available na rin ang Rogue One: A Star Wars Story. Hindi naman siya scary movie pero pwedeng gawing Halloween costumes ang mga characters.


At para sa mga Arrowverse fans, may bagong seasons ang Arrow, Flash, Supergirl at Legends of Tomorrow.

Sunday, October 7, 2018

NEW TO NETFLIX: FIRST WEEK OF OCTOBER

Maraming nag-debut na Netflix originals this week lalo na noong October 4. 


Ang pinakanagustuhan ko ay ang dramedy na Private Life. Tungkol ito sa may-edad na mag-asawa na hindi magka-anak. Matapos mag-fail sa IVF naisipan nilang humingi ng donor egg sa kanilang pamangkin. Magaling ang pagkakaganap ng mga beteranong sina Paul Giammati, Kathryn Hann at Saturday Night Live alumnus Molly Shannon.

I was expecting to watch the docuseries Empire Games, tungkol sa ancient empires, at ang horror movie na Malevolent. Kaya lang hindi sila available kahit na Netflix original sila.

Other noteworthy debutantes this week include :


Creeped Out - isang horror anthology series para sa older kids. Parang Are You Afraid of the Dark or Eerie Indiana nung 90s. Or you can call it Black Mirror Junior.

Meat Eater - isa itong reality show tungkol sa isang gamehunter. Vegans beware!

The Rise of Phoenixes - isang power struggle ang nagaganap sa China sa panahon ng Tiansheng dynasty. 60 episodes ito!

Operation Finale - noong 60s, isang grupo ng mga Israeli agents ang magtatangkang hulihin ang isang Nazi war criminal.


Meron ding magagandang panoorin mula sa other content providers. Para sa kids ang Coraline at Babe. For mature viewers naman ang EdTV, Red Dragon at 12 Monkeys. Nandiyan din ang season 5 ng Prison Break at season 4 ng Gotham.

Tuesday, August 28, 2018

ANONG BAGO SA NETFLIX? - SEPTEMBER 2018

Mahigit 50 na mga bagong series, movies, docus at seasons ang handog ng Netflix ngayong simula ng -ber months. Ngayon naman siguro ay alam nating IMPOSIBLE nating mapanood lahat iyan. Kaya dapat tayong matutong mamili ng mga programang di magsasayang ng oras natin. Kaya sa ibaba ang listahan ng mga bago sa Netflix at naka-highlight ang mga gusto kong panoorin.

Streaming September 1st



Cathedral of the Sea — Spanish Period Drama
Sa Barcelona noong 16th century isang malaking simbahan ang itatayo, kasabay ng buhay ng isang slave na tumakas para maging free man.

Monkey Twins

Mr. Sunshine

Sisters

Streaming September 3rd

A Taiwanese Tale of Two Cities— Taiwan Drama Series
Ano ang pagkakaiba at pagkakahawig ng buhay ng mga Taiwanese sa Taipei at ng mga kababayan nila sa San Francisco?

Streaming September 7th

Atypical: Season 2

Cable Girls: Season 3

City of Joy

First and Last



Marvel’s Iron Fist: Season 2 -Series
I like Season 1, so boo all you haters. Sa season 2, dalawang Iron Fists ang maglalaban!

Next Gen - Animated Movie
Parang Big Hero 6 or Wall-E. Mukha namang promising ang trailer. Who doesn't want a funny robot cartoon?

Sierra Burgess Is A Loser - Movie

Stretch Armstrong & the Flex Fighters: Season 2

The Most Assassinated Woman in the World
 - Movie

Streaming September 11th

Daniel Sloss: Live Shows

The Resistance Banker - Movie

Streaming September 12th

Life

On My Skin - Movie

Streaming September 14th

American Vandal: Season 2


Bleach -Movie
Live action version ng anime na inaayawan na ng mga anime fanboys. I'm so in.

Boca Juniors Confidential

BoJack Horseman: Season 5

Car Masters: Rust to Riches

Ingobernable: Season 2

Last Hope

Norm Macdonald has a Show

Super Monsters Monster Party: Songs

The Angel— Movie

The Dragon Prince -Animated Series

The Land of Steady Habits— Movie

The World’s Most Extraordinary Homes: Season 2 Part A

Streaming September 18th

D.L. Hughley: Contrarian

Streaming September 21st

Battlefish

DRAGON PILOT: Hisone & Masotan - Anime

Hilda - Cartoon

Maniac: Limited Series
Nakita ko na yung trailer at di ko pa rin alam kung tungkol saan ito. Sasakit yata ang ulo ko dito.

Nappily Ever After -Movie

Quincy— Documentary
Docu tungkol kay music icon Quincy Jones




The Good Cop -Comedy Series
Starring sina Tony Danza at Josh Groban, bilang mag-amang pulis na magkaiba ang estilo ng pagseserbisyo.

Streaming September 26th

Norsemen: Season 2

Streaming September 28th

Chef’s Table: Volume 5

El Marginal: Season 2

Forest of Piano— Anime

Hold the Dark— Movie
Isang retired wolf expert ang tutulong para mahanap ang isang batang kinuha ng mga wolves.

Jack Whitehall: Travels with My Father: Season 2

Lessons From A School Shooting: Notes from Dunblane

Lost Song -Anime

Made in Mexico

Reboot: The Guardian Code: Season 2

Skylanders Academy: Season 3

The 3rd Eye— Movie

Two Catalonias— Movie

As usual, schedules are subject to change. Meron na ring nangyari na Netflix original na hindi available sa Pilipinas.

Friday, August 24, 2018

MATUTO NG IBANG WIKA SA NETFLIX

Tayong mga Filipino ay marunong mag-English, ito ang lamang natin sa ibang bansang Asyano. Pero sa panahon ngayon ng globalisasyon, maraming mga mauunlad na bansa ang may mamamayan na hindi gaanong bihasa sa pagsalita ng Ingles. At kadalasan ito ang mga bansa na pinupuntahan natin para magtrabaho o mamasyal.

Kaya tama lang na matuto tayo ng ibang language bukod sa English. Lalo na iyung wika ng mga bansang gusto nating puntahan tulad ng Japan o Germany o India. Maraming apps ang puwedeng idownload tulad ng Duolingo o Memrise na nagtuturo ng iba't-ibang lengguwahe.

Isa pang paraan para matuto ng ibang lenggwahe ay ang pagbabasa ng mga libro o comics na isinulat sa language iyon. Ang isa pa ay ang panonood ng mga pelikula o TV shows na ang binibigkas ay ang lengguwaheng gustong matutunan.

Dito makakatulong ang Netflix. Meron silang napakaraming palabas mula sa iba't-ibang bansa, at siguradong may matatagpuan ka sa language na gusto mong matutunan.  Gamitin ang subtitles option para palitan ang dialog at subtitles. Halimbawa kung Spanish ang palabas, gawing Spanish ang dialog at English ang subtitles. Tapos panoorin muli ang palabas at gawin namang English ang dialog at Spanish ang subtitles. At puwede mo ring subukang parehong Spanish ang dialog at subtitles.

Mainam din na mamili ng mga programa na maganda talaga para dobleng sulit. Dekalidad na ang palabas, natulungan ka pa sa inaaral mong language.

May ilan akong mairerekomenda.  Kung Spanish ang inaaral, puwede mong panoorin ang crime thriller na Money Heist, ang time-travel adventure na The Ministry of Time o ang period drama na Cable Girls.

Kung French naman, panoorin ang spy comedy na A Secret Service, ang La Mante o ang The Forest.

Kung gusto mong matutong mag-Japanese, andaming Anime sa Netflix tulad ng Kakeguri, Devilman Crybaby at Violet Evergarden.  May live-action din tulad ng romcom na Good Morning Call, time-bending drama Erased at reality show na Terrace House.

Pag Chinese naman, subukan ang King's War, All Quiet in Peking at meron ding mga classic martial arts movies. Panoorin din ang On Children, ang sagot ng Taiwan sa Black Mirror.

Madami ring Korean shows dito kung gusto mong marinig at matutunan iyung actual na salitang Koreano at hindi iyung dinub sa Tagalog. I-try ang A Korean Odyssey, Something in the Rain, at Prison Playbook.

Maghanap lang sa Search ng Netflix at malamang may makikita kang palabas sa wikang gusto mo. 

Saturday, July 28, 2018

MGA BAGONG NETFLIX ORIGINALS PARA SA AUGUST 2018

Wow! Ang daming bagong naka-line-up ang Netflix para sa August. At tiyak na merong aabangan ang bawat miyembro ng pamilya. Maraming cartoons na pambata at meron ding cartoons na "for adults only". May horror series mula sa India. Andami ring crime series at docus. At ngayong buwan din ang daming bagong original movies na ka-abang-abang! Babalik din ang Byrde family! Iyung mga trip ko may πŸ‘ icon.

Streaming August 1st

Changing partners?

Switched— SeriesπŸ‘
Perfect na ang buhay ng popular high schooler na si Azumi, pero mahiwagang nagkapalit sila ng katawan ng isang inggiterang kaklase. At ayaw nitong ibalik ang katawan niya! Crisan, ikaw ba iyan?

Streaming August 3rd

Brij Mohan Amar Rahe— Movie
Isang shopkeeper na walang swerte sa buhay ang kailangang mamili between life and death.

Cocaine Coast— Movie
Noong 1980s isang mangingisda sa Spain ang yumaman sa pagiging cocaine smuggler.

Dinotrux Supercharged: Season 3— Animated Series
Dinosaurs na mukhang trucks. For your kids. Gawa ng Dreamworks.

I AM A KILLER— Docu SeriesπŸ‘
Series of interviews sa mga convicted murderers.

We're in a good place, right?

Like Father— MovieπŸ‘
Matapos iwanan ng kanyang groom sa altar ng kanilang kasal, natagpuan na lang ng bride ang sarili niya na kasama niya sa dapat sana ay honeymoon cruise niya ang kanyang tatay na nang-iwan sa kanilang mag-ina. Isa itong dramedy kasama sina Kristin Bell ng The Good Place at Kelsey Grammer ng Frasier.

Marching Orders— Docu Series
Panoorin ang kwento ng popular college marching band na Bethane Cookman University

Streaming August 4th

Flavors of Youth: International Version– Anime MovieπŸ‘
Napanood ko na ang trailer pero di ko pa rin alam kung tungkol saan ito pero mukhang madrama ito.

Streaming August 9th

Perdida– Movie
Isang pulis ang muling hahanapin ang kaibigang nawala nung bata pa sila.

Streaming August 10th

72 Dangerous Animals: Asia— Docu SeriesπŸ‘
Sa Asia naman tayo maghahanap ng mga pinakamapanganib na mga hayop.

Afflicted– Documentary
Pitong tao na may malalalang sakit ang maghahanap ng kasagutan at lunas.

No, you're pulling my leg. Andrew E copied that song?

All About the Washingtons— Comedy SeriesπŸ‘
Isang rap superstar ang nag-retire para maging ganap na family man.

Demetri Martin: The Overthinker— Stand-up Comedy

Suck it, petitioners!

Insatiable— Comedy SeriesπŸ‘
Fat girl gets thin and gets her revenge. BAKIT NAGWAWALA ANG MGA SNOWFLAKES?!

La casa de las flores— Comedy SeriesπŸ‘
Mukhang normal naman ang pamilyang nagmamay-ari ng isang tanyag na flower shop. Ngunit meron pala silang tinatagong madilim na sikreto.

Million Pound Menu— Competition Series
Mula sa BBC 2, mabibigyan ng pagkakataon ang mga magaling sa kusina na maitayo ang mga pangarap nilang resto - kung maiimpress nila ang mga investors!

We're gonna give you the feels no loveteam movie can give you

The Guernsey Literary and Potato Peel Pie Society— MovieπŸ‘
Isang female writer ang naging close sa mga taga-Guernsey nang isulat niya ang book club na tinatag nila noong World War II. At nahulog ang loob niya sa isang binata doon. Kaya lang may mga komplikasyon. Magandang kombinasyon ng romance at historical fiction ang period movie na ito.

Someone made the cut!

The Package— MovieπŸ‘
Sa comedy na ito, isang grupo ng mga teenagers ang nag-camping. Ngunit isang aksidente ang puputol sa kasiyahan nila ng ang isa sa kanila ay maputulan! Alamin kung ano ang naputol!

The Ponysitters Club— Kids Series
Para sa inyong mga animal-loving kids itong series tungkol sa mga batang nagsama para mag-alaga ng mga horses at ponies.

Voltron: Legendary Defender: Season 7— Animated Series
Si Voltron. Kilala nyo na siya. Mula sa Dreamworks

Zion— DocumentaryπŸ‘
Isinilang siyang walang legs pero nagpursige pa rin si Zion na maging amateur wrestler.

Streaming August 17th


Homer would love it here

Disenchantment— Adult Animated SeriesπŸ‘
Isang prinsesang manginginom, ang makulit niyang dwende at ang kanyang personal demon at ang kanilang mga misadventures. Mula kay Matt Groening, ang gumawa ng The Simpsons at Futurama.

Magic for Humans— Magic Series
Bida si Justine Williams na gagawa ng street magic at iba pa.

Pinky Malinky— Animated Series
Nagsasalitang hotdog. Ano na naman ang naisip ng Nickelodeon?

Spirit Riding Free: Season 6— Kids Series
Wow! 6th season na nitong isa pang Dreamworks cartoon na tungkol sa kabayong si Spirit.

Stay Here— Lifestyle Series
Panoorin kung paanong ang mga small-time properties ay pabobonggahin ng show na ito.

The Motive– MovieπŸ‘
Para makagawa ng libro, mamanipulahin ng isang writer ang mga buhay ng mga kapitbahay niya para magsilbing kwento ng isusulat niya.

My letters got sent! But how? The post office's been closed for years!

To All The Boys I’ve Loved Before— MovieπŸ‘
Anong gagawin mo kung ang mga secret love letters mo ay misteryosong natanggap ng mga sinulatan mo?

Ultraviolet— SeriesπŸ‘
Isang grupo ng mga amateur detectives ang magso-solve ng mga kasong hindi maresolba ng mga pulis. Mula sa Poland

Streaming August 19th

The Investigator: A British Crime Story: Season 2— Docu Crime Series
Isa na namang kaso ang bubusisiin sa mala-Imbestigador na palabas na ito. Minus Mike Enriquez.

Streaming August 23rd

Deadwind– Series
Isa na naman itong detective series na ang lead ay female na may emotional baggage, parang Marcella ng UK. Mula naman ito sa Finland.

Follow This— Docu SeriesπŸ‘
Gawa ng Buzzfeed. Baka may matutunan tayo. O baka wala. Parang mga Youtube videos nila. Mas mahaba nga lang.


Streaming August 24th

Ask the StoryBots: Season 2— Kids Animated Educational Series
May mga bagong tanong na sasagutin ang mga makukulit na Storybots

Bert Kreischer: Secret Time— Stand-up Comedy

Let me give you a hand

Ghoul— SeriesπŸ‘
Horror series mula sa India. Ano ang misteryo ng isang preso na malalaman ng kanyang mga interrogator?

The After Party— Movie
 Nang mag-viral ang video ng isang aspiring rapper, sumikat siya pero di sa paraan na ninais niya. Sa tulong ng isang kaibigan susubukan niyang bumawi.

This maybe weird at first but like what that PBA player said, it's 2018, - get used to it!

The Innocents— SeriesπŸ‘
Tumakas ang dalawang magkasintahan para magsama. Ngunit meron palang kakaibang kakayahan ang dalaga. At sino ang mga humahabol sa kanila?

Trolls: The Beat Goes On!— Kids Animated Series
Isa uling cartoon mula sa Dreamworks. Bida ang mga cute(?) little trolls!

Streaming August 31st

Inside the Criminal Mind– Docu SeriesπŸ‘
Isa na namang true crime series kung saan tatalakayin ang mga nasa isip ng mga kriminal. Obsession mo ba ito, Netflix?

Ok kids, time for money laundering 102

Ozark: Season 2— SeriesπŸ‘
Speaking of crime, muli nating kamustahin ang buhay ng isang money launderer at ang kanyang pamilya na may panganib pa rin ang mga buhay mula sa cartel.

Paradise PD— Adult Animated Series
Isa na namang cartoon na hindi for kids tungkol sa mga palpak na pulis. Mula sa Brickleberry team. Another obsession of Netflix.

The Comedy Lineup: Part 2 - Stand-up Comedy
2nd batch ng mga trying hard comedians. 15 minutes lang ha?

The Laws of Thermodynamics– MovieπŸ‘
Puwede mo bang sisihin ang science kung bakit palpak ang lovelife mo? Iyan ang gagawin ng isang  scientist na bigo sa pag-ibig. Mula sa Spain.

Ultimate Beastmaster: Survival of the Fittest— Competition Series
Mga bagong contestant sa pinakamalupit na obstacle course.

Undercover Law– Series
Isa na namang crime and investigation show pero kulang pa ang info ko dito so stay tune for updates.

Tandaan na maaari pang magbago ang schedule.

Friday, July 20, 2018

THE WEEKNIGHTS' NETFLIX MOVIE MARATHON July 20 2018

Isang bagay na malabong magagawa ko ay ang maghunting sa gubat.  Wala naman akong mahahanap na usa sa siyudad? Kaya dadaanin ko na lang sa panonood sa Netflix ng mga kuwento tungkol dito. At isa pa, parang di ko rin naman gusto na pumatay ng hayop kaya wag na lang.

Tatlong magkakaibang pelikula pero may pagkakahawig ang sabay na lumabas sa Netflix.  Lahat sila ay may mga tema na patungkol sa pangangaso. Tungkol din sila sa relasyon ng pamilya. At lahat sila ay may setting sa forests.


Sa The Legacy of a Whitetail Deer Hunter, isa itong comedy tungkol sa isang celebrity deer hunter ang gagawa ng bagong video kung saan tuturuan niyang maghunt ang kanyang binatilyong anak, kasabay na rin ang pakikipagbonding.


Ang Spanish drama naman na The Skin of The Wolf ay naganap sa Spain noong early 20th century . Isang mangangaso na mag-isang naninirahan sa isang inabandonang mountain village ang nagdesisyong mag-asawa.


Isa namang cartoon ang White Fang, halaw sa klasikong nobela ni Jack London tungkol sa pakikipagsapalaran ng isang wolf cub at ang paghahanap niya ng sense of belonging.  Hindi man ito tunay na tungkol sa hunting pero dahil may wolves at sa wild ang setting e may connect na rin sa dalawang unang pelikula.

Kaya mag-movie marathon na this weeknight kasama ang pamilya.  Simulan sa White Fang na pambata. Kasunod ang The Legacy of a Whitetail Deer Hunter na medyo PG. At sa huli, patulugin na ang mga bata bago panoorin ang The Skin of The Wolf na R rated.

Saturday, June 30, 2018

ANONG BAGO SA NETFLIX NGAYONG JULY 2018

Grabe ka Netflix. Andami mo na namang bagong palabas. Daming bagong pelikula. Daming bagong series mula sa iba't-ibang bansa. Daming docuseries. At babalik pa si Anne! Wala na namang patayan ng TV sa July.


Streaming July 3rd

The Comedy Lineup— Comedy Stand-up Series
Mga bagong stand-up comedians ang bibigyan ng 15 minuto para patawanin ang mga tao.

Streaming July 6th
Siya na ang gagawa ng caption niya!

☝Anne with an E: Season 2— Series
Ano na ang mangyayari sa mga Cuthberts ngayong mayroon silang dalawang boarders na mukhang may masamang balakin?

Comedians in Cars Getting Coffee: New 2018: Freshly Brewed— Comedy Talk

First Team: Juventus: Part B— Football Sports Docu

Free Rein: Season 2— Series
Nagbabalik ang young viewers' drama tungkol sa isang teenage girl at ang kanyang kabayo.

Naiwan na naman ako dito ng TV crew

☝Inside the World’s Toughest Prisons: Season 2— Docu Series
Isang journalist ang muling bibisita sa mga kulungan sa iba't-ibang panig ng mundo.

Sacred Games— Series
Ito ang unang original series ng Netflix mula sa India. Tungkol ito sa isang pulis na nakatanggap ng misteryosong mensahe tungkol sa isang crimelord na God ang taguri sa sarili.

Samantha!— Comedy Series
Mula sa Brazil, tungkol ito sa isang dating childstar nung 80s na susubukang sumikat ulit.

Somebody Feed Phil: The Second Course— Food Series

Tinubuan na ako ng bigote dito sa rice terraces. Ooops, di pala ako si Thanos dito

☝The Legacy of a Whitetail Deer Hunter— Movie
Para sa special episode ng kanyang hunting show, isinama niya ang kanyang batang anak para maka-bonding at turuan ng hunting. Isa itong comedy na bida si Josh Brolin na gumanap na Thanos nitong summer.

The Skin of The Wolf— Movie
Mula sa Spain, kuwento ito ng isang animal trapper na bumaba mula sa tinitirhan niyang bundok upang humanap ng asawa. Hindi ito rom-com kundi isang drama.

White Fang— Animated Movie
Ito ay adapatation ng popular na libro ni Jack London tungkol sa mga adventures ng isang wolf dog sa northwestern Canada noong 1890s.


Streaming July 10th

Drug Lords: Season 2— Docu Series
Panibagong season tungkol sa mga druglords at drug cartels sa iba't-ibang panig ng mundo

Streaming July 13th

How It Ends— Movie
Isang lalaki at ang kanyang hindi kasundong magbiyenan ang kailangang hanapin at iligtas ang kanyang asawa habang nagaganap ang isang misteryosong pangyayari na inilagay ang mundo sa peligro.

Jim Jefferies: This Is Me Now— Stand-up Comedy

Sugar Rush— Food Series

Palayain ang mga brief


☝The Epic Tales of Captain Underpants— Animated Series
May sarili nang series si Captain Undetpants! Basahin ang libro at panoorin ang naunang pelikula para makilala ang superhero na nakabrief!

Streaming July 15th
Kung sitcom ito sa Channel 2, mga benteng artista ang nasa pic na ito

☝Bonusfamiljen: Season 2– Series
Mula sa Sweden ang nakakatawang series na ito tungkol sa relationships ng mag-asawa, ng kanilang mga exes at mga anak.

The Joel McHale Show with Joel McHale: Part 2— Comedy Show

Streaming July 20th

Amazing Interiors– Docu Series
Silipin ang mga kakaibang interior designs

Dark Tourist– Docu Series
Bisitahin ang mga kakaiba at kadalasang nakakakilabot na tourist spots.

Duck Duck Goose— Animated Movie
Isang injurec goose ang naging yaya ng dalawang bibe

Wala kayo sa tatay koooo!!!!

☝Father of the Year– Movie
Dalawang college grads ang nagtalo kung sinong mananalo sa kanilang mga ama sa suntukan. Mukhang magkakaalamanan na!

Home: Adventures with Tip & Oh: Season 4— Animated Series
Bagong season ng cartoon na based sa Dreamworks movie noong 2015 tungkol sa isang batang babae at ang kaibigan niyang alien.

Jimmy: The True Story of a True Idiot— Comedy Series
Ang alam ko lang dito ay galing ito sa Japan.

Last Chance U: EMCC & Life After— Docu Series
Tungkol sa college football.

Last Chance U: INDY: Part 1— Docu Series
See above!

Luna Petunia: Return to Amazia: Season 2— Animated Series
Para sa mga very young kids.

Streaming July 24th


Dito ko pala gagamitin ang isang sem ko ng calculus!

The Warning– Movie
Isang math genius ang nakadiskubre na may pattern ang mga namamatay sa isang gas station. At gagamitin niya ito para bigyang babala ang susunod na biktima.

Iliza Shlesinger: Elder Millennial– Stand-up Comedy

Streaming July 27th

Cupcake & Dino – General Services— Animated Series
This is the time that I wish I knew a guy, who knows a guy, who knows a guy who can kill aliens

Extinction– Movie
Kuwento ito ng isang mag-asawa na kailangang protektahan ang kanilang pamilya laban sa isang alien invasion.

Orange Is the New Black: Season 6— Series

Roman Empire: Reign of Blood: Master of Rome— Series
Ang pagbabalik ng pinaghalong docu at epic series tungkol sa Roman Empire.

The Bleeding Edge— Docu
Tatalakayin dito ang industriya ng medical devices sa US na mas tutok sa pagkamal ng pera kaysa sa buhay ng mga pasyente.

The Worst Witch: Season 2— Series
Kiddie series tungkol sa isang normal girl na nakapasok sa school for witches.

Welcome to the Family– Series
Anong gagawin ng isang single mom nang malaman niyang wala siya sa last will ng namayapang ama?

Streaming July 30th

A Very Secret Service: Season 2— Series
French dramedy tungkol sa mga spies at agents

Streaming July 31st

Terrace House: Opening New Doors: Part 3— Reality Show
Ang nakakaadik na ala-Big Brother program ng Japan.

Tuesday, June 26, 2018

MAIKLING REBYU: SET IT UP

Ang romantic comedy ay isang genre na madalang o hindi na yata ginagawa sa US movies.  Pag sinabing rom-com, ang ilan sa mga kilalang bumida sa mga ganito ay sina Jimmy Stewart, Audrey Hepgurn, Meg Ryan, Tom Hanks, Reese Witherspoon at Matthew McConaughey.
Pati yung poster, old school rom-com din!

Kung wala nang rom-com sa mga sinehan, ay mukhang magkakaroon na ito ng bagong tahanan sa Netflix.  Nitong buwan ng Hunyo nagdebut ang pelikulang Set It Up.

Tungkol ito sa dalawang executive assistants. Ang isa ay si Charlie at ang kanyang boss ay si Rick, isang kahihiwalay lang na businessman. At ang isa naman ay si Harper, na nagtatrabaho para kay Kirsten, isang sikat na sports reporter.

Ang kanilang mga boss ay malulupit sa oras, mga pala-utos at maiinitin ang mga ulo. Isang araw ay nagkakilala ang dalawang assistant at gumawa ng planong i-push na magkaroon ng relasyon ang kanilang mga boss.  At kapag nagkatuluyan ang kanilang mga bosing, baka gumanda ang mga ugali nito at maging busy sa isa't-isa. Ibig sabihin magkakaroon na ng oras ang mga assistant para sa ibang bagay at para sa kanilang mga kasintahan.

Tagumpay ang pelikula sa pagbubuhay ng traditional rom-com.  Traditional dahil nakita natin muli ang mga elementong laman ng isang clasdic rom-com: ang character ng isang cute at nerdy na bidang babae, ang pag-aaway tapos magkakagustuhan at ang mga slapstick at awkward moments ng pagpipilit magkatagpo ng kanilang mga boss.   Magaling ang pagkakaganap ng apat na pangunahing tauhin. At nakakatawa at fresh ang maya't-mayang mga one-liner. Inaasahan naman talaga ito dahil ang direktor nito ay nagdirek din sa nakakatawang Netflix sitcom na The Unbreakable Kimmy Schmidt.

Papasa ito sa panlasa ng mga rom-com fans at pati na ng mga comedy fans. Perfect din itong date movie para sa mga magsyota at mag-asawa. Tipid pa dahil sa bahay nyo lang ito panonoorin.

Wednesday, June 6, 2018

MAIKLING REBYU: SAFE

Kung ang hilig nyo ay mga programang mystery-suspense at iyung tipong may pagka-soap opera, subukan ninyong panoorin ang Safe.

Ang kwento ay nangyari sa isang gated community sa UK. Ang bida ay si Tom isang balong surgeon na ginagampanan ni Michael C. Hall na kilala sa mga programang Dexter at Six Feet Under. Isang gabi ay umattend sa isang party ang kanyang dalagang anak na si Jenny at hindi ito umuwi.

Nalaman niyang kasama ng anak niya sa party ang boyfriend nitong si Chris na nawawala rin. Mabuti na lang nandyan ang kaibigan niyang doctor din na si Pete at ang bago niyang girlfriend na pulis na si Sophie, para tulungan siya. At sa kanilang paghahanap, ay marami pang mga sikretong nabunyag.

Para tuloy kakatwang sabihin na "safe" ang kanilang tinitirhan na saradong komunidad, kung ang mga peligro ay nasa loob mismo.

Mabilis ang pacing ng palabas at ito ay 8 episodes lang. Kada episode ay laging may kasagutan sa isang misteryo ngunit may kaakibat agad itong bagong mga tanong.  Panoorin at subukan kung mahuhulaan ninyo kung ano ang mga mangyayari.

Tuesday, May 29, 2018

ANONG BAGO SA NETFLIX NGAYONG JUNE 2018

Tapos na ang bakasyon sa eskwela. Ilan sa atin ay nagbakasyon din mula sa trabaho. Siguradong bukod sa pasyal ay meron din sa atin na ginamit ang libreng oras para tapusin ang mga nasa "continue watching" natin sa Netflix. Pero eto at may mga ipipila na naman tayo. Iyung mga may πŸ‘icon, iyun ang mga siguradong panonoorin ko.



Streaming June 1st

November 13: Attack on Paris - Docu
Documentary mula sa salaysay ng mga surivors ng terrorist attacks sa Paris.

Streaming June 8th

Alex Strangelove — Movie

Ali’s Wedding — Movie

Marcella: Season 2 — Series

Sense8: The Series Finale

The Hollow — Animated Series

The Staircase — Docu
True crime story. Natagpuang patay si Kathleen sa ibaba ng hagdan. Aksidente? O may kinalaman ang asawa niya.

Treehouse Detectives — Animated Series

Streaming June 15th

Lust Stories — Movie
"Oo. Gagamit tayo ng curry powder"

4 na short stories tungkol sa love, sex and relationships sa India. πŸ‘

Maktub — Movie

Set It Up — Movie
Para sa Romcom fans, dalawang office assistants ang nag-set-up sa kanilang mga boss para ma-inlove sa isa't-isa. E, sila kaya? πŸ‘

Sunday’s Illness — Movie
Matapos abandonahin ng kanyang ina ilang dekada na ang nakalipas, natagpuan niya ang kanyang ina at hiniling rito na samahan siya sa isang liblib na lugar sa loob ng sampung araw.πŸ‘

The Ranch: Part 5 — Series

True: Magical Friends — Animated Series

True: Wonderful Wishes — Animated Series

Voltron: Legendary Defender: Season 6 — Animated Series

Streaming June 17th

Club de Cuervos presenta: La balada de Hugo SΓ‘nchez — Series

Streaming June 19th

Hannah Gadsby: Nanette — Comedy Special

Streaming June 22nd

Brain on Fire — Movie
Must. Not. Kick. Ass.

Isang journalist ang nagkaroon ng mental illness at nailigtas ng isang doktor. Base sa isang autobiography. Bida rito si Chloe Grace Moretz ng Kick Ass.πŸ‘

Cooking on High — Cooking Show
Cooking show na ang ingredients ay marijuana. Kung dito ito, tokhang aabutin ng mga chef!

Derren Brown: Miracle — Magic Special

Heavy Rescue: 401: Season 2 — Reality Series
Tunghayan ang trabaho ng mga miyembro ng heavy vehicle rescue and recovery team ng Ontario.

Marvel’s Luke Cage: Season 2 — Series
Di ko kamay yan. Di ako nakapangalumbaba

Matapos ang mga kaganapan sa The Defenders, ano na ang mangyayari sa buhay ni Luke Cage?πŸ‘

Us and Them — Movie
Dalawang tao ang nagkakilala sa isang tren. Nagka-ibigan pero nagkahiwalay. Makalipas ang ilang panahon ay muling nagkita. May balikan kaya? Ito ay made in China

Streaming June 24th

To Each, Her Own (Les GoΓ»ts et les couleurs) — Movie

Streaming June 26th

Secret City — Series
Isang Australian mini-series tungkol sa isang journalist na gustong i-expose ang kabalbalan ng gobyerno.

Kamau Bell: Private School Negro — Stand-up Comedy

Streaming June 29th

Churchill’s Secret Agents: The New Recruits — Series
Base sa totoong nangyari, tungkol ito sa pagrecruit at pagtrain ng mga secret agents ng Britain.πŸ‘

GLOW: Season 2 — Series
Para ito sa mga nagmamagaling na hindi nanonood ng wrestling!

Papunta na sa big-time ang nga lady wrestlers ng Glorious Ladies of Wrestling sa pagbabalik ng sports-dramedy na ito.πŸ‘

Harvey Street Kids — Animated Series

Kiss Me First — Series
Isang friendship between two girls kung saan tuturuan ng isang party girl ang isang lonely girl how to have fun.

La ForΓͺt — Series
French crime drama na parang Safe ng UK kung saan isang teenage girl din ang nawawala.πŸ‘

Nailed It!: Season 2 — Cooking Show

Paquita Salas: Season 2 — Series
Si Paquita ay bigtime talent agent nung 90s. Nang umalis ang biggest client niya, anong gagawin nya para makabangon?

Recovery Boys — Documentary
Panoorin kung paano makakarecover ang apat na dating mga drug addict.

TAU — Movie
Ang sinasabi ko sa iyo, hindi totoo iyang apoy sa fireplace. App lang iyan! Download mo din!

Excited ako sa scifi movie na ito! Isang babae ang nakulong sa isang makabagong smarthouse, isang bahay na computer-controlled. Paano siya tatakas?πŸ‘πŸ‘πŸ‘

Streaming June 30th

Fate/EXTRA Last Encore: Oblitus Copernican Theory — Anime

Tandaan na pwedeng mabago ang mga schedule. Nood na!

Saturday, May 26, 2018

MAIKLING REBYU: HAPPY

Ang buddy-cop story ay isa nang established na tema ng mga pelikulang action-comedy tulad ng Lethal Weapon at Rush Hour. Ngayon ay mayroon nang kahalintulad na kwento sa Netflix. Ito ay ang Happy.
Hindi ito Shrek.

Ang kaibahan lang nito sa ibang buddy-cop story ay hindi dalawang pulis ang magkasama.  Sa halip ang partners ay isang disgraced ex-cop turned hitman at isang asul na imaginary being na pinagsamang unicorn at donkey (isang uni-donkey)!

Nagkasama ang dalawa ng biglang magpakita si Happy, ang imaginary being, kay Sax para hingin ang tulong nito na iligtas ang kaibigan niyang batang babae na dinukot ng isang pyscho na naka Santa suit.

Pasado sa panlasa ko ang programang ito. Sapul ang palitan ng asaran nina Sax at Happy, at nakakataswa rin ang pagiging inosente ni Happy sa mga bagay na normal na para sa mga tulad ni Sax.
Isa pang magsabing Shrek ito, ipapasipa ko sa Ogre na nasa likod ko!

Marami ring action scenes si Christopher Meloni dito na gumaganap bilang Sax. Lumabas siya sa Law and Order: Special Victims Unit.  Ang nagboses naman kay Happy ay si Patton Oswalt isang kilalang stand-up comedian at nagboses kay Remy sa Ratatouille.

Siya nga pala. Bagama't may cartoon character dito ay hindi ito pambata. Napakabayolente nito at may mga sekswal na eksena.  Ang Happy ay mas ma-e-enjoy ng mga adults.

Tuesday, May 15, 2018

MAIKLING REBYU: THE NEW LEGENDS OF MONKEY

Kung isa kayo sa mga naging fans ng Hercules at Xena na pinalabas sa Channel 5 nung 90s, magugustuhan nyo ang bagong series ng Netflix na The New Legends of Monkey.

Hindi kami loveteam. Di na uso yun sabi ni Mother Lily


Tungkol ito sa isang god na nagngangalang Monkey na ikinulong ng mga demons sa isang bundok sa loob ng 500 taon at pinakawalan ng isang babaeng monk para tulungan siyang hanapin ang mga nawawalang scrolls.

Katulad ng Hercules at Xena ay hitik sa aksyon at katatawanan ang palabas. Hindi siya bayolente at magugustuhan ito ng maliliit na bata. Pero hindi naman ito masyadong pambata na ikabo-bore ng mga adults.

Ito ay remake ng Monkey na ipinalabas noong 70s sa Australia at UK.  Kung gusto nyo ay panoorin nyo rin sa YouTube ang original na pinagbibidahan ng mga Hapon para ma-enjoy nyo ang parehong bersiyon.

Thursday, April 26, 2018

ANONG BAGO SA NETFLIX NGAYONG MAY 2018

Ngayong Mayo magpapatawa sina (clockwise) Kimmy, Carol, Martin & Martin!

Parang buwan ng komedya ngayong Mayo sa Netflix. Ang mga batikang comedians na tulad nina Carol Burnett, Steve Martin at Martin Short ay balik tv! Meron ding mga stand-up comedy specials, celebrity mystery game at rom-coms! Pero meron ding serious stuff tulad ng Anon at The Rain. Meron ding live-action manga. At nagbabalik si Kimmy at ang mga laruan! May Explained pa na pampatalino ng mga couch potatoes na tulad natin! Saan ka pa? Nood na!

Streaming May 1st

John Mulaney: Kid Gorgeous Live at Radio City — NETFLIX ORIGINAL

Sometimes — NETFLIX FILM
Isa itong Indian drama tungkol sa magkakaibigan na nagpa-AIDS test at isa sa kanila ang nagpositive.

Streaming May 4th

A Little Help with Carol Burnett — NETFLIX ORIGINAL
Ang pinakanakatatawang komedyana sa historya ng pagpapatawa ay nagbabalik!

Anon — NETFLIX FILM
Nalilinya na talaga sa scifi ang Netflix. Sa panahon ng kuwento wala nang privacy, siguro kagagawan ng Facebook! Pero madidiskubre ng isang detective ang isang babae na walang record sa kahit saan, na parang hindi siya nag-eexist!

Busted!: Season 1 — NETFLIX ORIGINAL
Isang Korean reality show kung saan ang mga artista ay susubukan magsolve ng mga crime cases

Dear White People: Volume 2 — NETFLIX ORIGINAL

End Game — NETFLIX DOCU
Tatalakayin sa docu na ito ang mga end-of-life support systems sa mga hospital para sa mga pasyenteng mamamatay na at sa kanilang mga maiiwan.

Forgive Us Our Debts — NETFLIX FILM
Sa Italian drama na ito, isang unemployed ang napilitang maging debt collector pero mas lalong naging problemado ang buhay niya

Kong: King of the Apes: Season 2 — NETFLIX ORIGINAL
Teeheehee! 


Manhunt — NETFLIX FILM
Isang Chinese lawyer ang na-frame sa pagpatay ng isang babae. Isang Japanese cop ang tutulong sa kanya. Dinirek ni John Woo.

My Next Guest Needs No Introduction With David Letterman: Tina Fey — NETFLIX ORIGINAL

The Rain: Season 1 — NETFLIX ORIGINAL
Set sa Denmark, isang virus ang kumitil sa maraming tao. Dalawang magkapatid ang umalis sa kanilang safe house upang hanapin ang amang umiwan sa kanila.

Streaming May 6th

The Joel McHale Show with Joel McHale (Streaming every Sunday) — NETFLIX ORIGINAL

Streaming May 8th

Hari Kondabolu: Warn Your Relatives — NETFLIX ORIGINAL

Streaming May 11th

Bill Nye Saves the World: Season 3 — NETFLIX ORIGINAL

Evil Genius: the True Story of America’s Most Diabolical Bank Heist — NETFLIX ORIGINAL
Isa itong four-part docu tungkol sa mga nakakagulantang na nangyari ng holdapin ng isang pizza delivery guy ang isang bangko.

Spirit Riding Free: Season 5 — NETFLIX ORIGINAL

The Kissing Booth — NETFLIX FILM
Adaptation ito ng isang young romance novel. Parang di ko yata trip ito?

The Who Was? Show: Season 1 — NETFLIX ORIGINAL
Ito gusto ko. Comedy sketch show tungkol sa history. Writer si Conan O' Brian!


Streaming May 13th

Ali Wong: Hard Knock Wife — NETFLIX ORIGINAL

Streaming May 18th

Cargo — NETFLIX FILM
Isa pang zombie feature! Isang infected father ang kailangang hanapan ng mapagiiwanan sa kanyang batang anak bago mahuli ang lahat.

Catching Feelings — NETFLIX FILM
Isa itong romance movie from South Africa

Inspector Gadget: Season 4 — NETFLIX ORIGINAL

Streaming May 22nd

Mob Psycho 100: Season 1 — NETFLIX ORIGINAL
Live action adaptation ng isang manga. Tungkol sa mga powered people na tinatawag na mga espers.

Terrace House: Opening New Doors: Part 2 — NETFLIX ORIGINAL

Tig Notaro Happy To Be Here — NETFLIX ORIGINAL

Streaming May 23rd

Explained — NETFLIX ORIGINAL
Isa itong series na mag-e-explain ng iba't-ibang bagay. Siguro parang Mental Floss o It's Okay To Be Smart ng Youtube.

Streaming May 24th

Fauda: Season 2 — NETFLIX ORIGINAL

Streaming May 25th

Ibiza — NETFLIX FILM
Ha? Isa pang romcom?

Steve Martin and Martin Short: An Evening You Will Forget for the Rest of Your Life — NETFLIX ORIGINAL

The Toys That Made Us: Season 2 — NETFLIX ORIGINAL
Susunod na ilalaban sa Avengers


Trollhunters: Part 3 — NETFLIX ORIGINAL

Streaming May 26th

Sara’s Notebook — NETFLIX FILM
Tungkol ito sa paghahanap ni Laura sa kanyang kapatid na si Sara na kinidnap sa Congo.

Streaming May 27th

The Break with Michelle Wolf — NETFLIX ORIGINAL

Streaming May 30th

Unbreakable Kimmy Schmidt: Season 4 — NETFLIX ORIGINAL

Streaming May 31
My Next Guest Needs No Introduction With David Letterman: Howard Stern — NETFLIX ORIGINAL
Not Santa.

Tandaan na pwedeng mabago ang mga skeds!

HINDI LANG SI SABRINA ANG BIDA SA HULING LINGGO NG OCTOBER. PATI SI ADAM SANDLER

In the final week of October, ang obvious na bida ay ang Chilling Adventures of Sabrina. Isa na naman itong reimagining ng characters mula s...