Isang bagay na malabong magagawa ko ay ang maghunting sa gubat. Wala naman akong mahahanap na usa sa siyudad? Kaya dadaanin ko na lang sa panonood sa Netflix ng mga kuwento tungkol dito. At isa pa, parang di ko rin naman gusto na pumatay ng hayop kaya wag na lang.
Tatlong magkakaibang pelikula pero may pagkakahawig ang sabay na lumabas sa Netflix. Lahat sila ay may mga tema na patungkol sa pangangaso. Tungkol din sila sa relasyon ng pamilya. At lahat sila ay may setting sa forests.
Sa The Legacy of a Whitetail Deer Hunter, isa itong comedy tungkol sa isang celebrity deer hunter ang gagawa ng bagong video kung saan tuturuan niyang maghunt ang kanyang binatilyong anak, kasabay na rin ang pakikipagbonding.
Ang Spanish drama naman na The Skin of The Wolf ay naganap sa Spain noong early 20th century . Isang mangangaso na mag-isang naninirahan sa isang inabandonang mountain village ang nagdesisyong mag-asawa.
Isa namang cartoon ang White Fang, halaw sa klasikong nobela ni Jack London tungkol sa pakikipagsapalaran ng isang wolf cub at ang paghahanap niya ng sense of belonging. Hindi man ito tunay na tungkol sa hunting pero dahil may wolves at sa wild ang setting e may connect na rin sa dalawang unang pelikula.
Kaya mag-movie marathon na this weeknight kasama ang pamilya. Simulan sa White Fang na pambata. Kasunod ang The Legacy of a Whitetail Deer Hunter na medyo PG. At sa huli, patulugin na ang mga bata bago panoorin ang The Skin of The Wolf na R rated.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
HINDI LANG SI SABRINA ANG BIDA SA HULING LINGGO NG OCTOBER. PATI SI ADAM SANDLER
In the final week of October, ang obvious na bida ay ang Chilling Adventures of Sabrina. Isa na naman itong reimagining ng characters mula s...
-
Ngayong Mayo magpapatawa sina (clockwise) Kimmy, Carol, Martin & Martin! Parang buwan ng komedya ngayong Mayo sa Netflix. Ang mga b...
-
Kung ang hilig nyo ay mga programang mystery-suspense at iyung tipong may pagka-soap opera, subukan ninyong panoorin ang Safe. Ang kwent...
-
Marami sa atin ang excited sa year 2018, dahil ang mga Netflix series na kinagiliwan natin ay magbabalik. Ano na ba ang mga balita sa kanil...



No comments:
Post a Comment