Friday, August 24, 2018

MATUTO NG IBANG WIKA SA NETFLIX

Tayong mga Filipino ay marunong mag-English, ito ang lamang natin sa ibang bansang Asyano. Pero sa panahon ngayon ng globalisasyon, maraming mga mauunlad na bansa ang may mamamayan na hindi gaanong bihasa sa pagsalita ng Ingles. At kadalasan ito ang mga bansa na pinupuntahan natin para magtrabaho o mamasyal.

Kaya tama lang na matuto tayo ng ibang language bukod sa English. Lalo na iyung wika ng mga bansang gusto nating puntahan tulad ng Japan o Germany o India. Maraming apps ang puwedeng idownload tulad ng Duolingo o Memrise na nagtuturo ng iba't-ibang lengguwahe.

Isa pang paraan para matuto ng ibang lenggwahe ay ang pagbabasa ng mga libro o comics na isinulat sa language iyon. Ang isa pa ay ang panonood ng mga pelikula o TV shows na ang binibigkas ay ang lengguwaheng gustong matutunan.

Dito makakatulong ang Netflix. Meron silang napakaraming palabas mula sa iba't-ibang bansa, at siguradong may matatagpuan ka sa language na gusto mong matutunan.  Gamitin ang subtitles option para palitan ang dialog at subtitles. Halimbawa kung Spanish ang palabas, gawing Spanish ang dialog at English ang subtitles. Tapos panoorin muli ang palabas at gawin namang English ang dialog at Spanish ang subtitles. At puwede mo ring subukang parehong Spanish ang dialog at subtitles.

Mainam din na mamili ng mga programa na maganda talaga para dobleng sulit. Dekalidad na ang palabas, natulungan ka pa sa inaaral mong language.

May ilan akong mairerekomenda.  Kung Spanish ang inaaral, puwede mong panoorin ang crime thriller na Money Heist, ang time-travel adventure na The Ministry of Time o ang period drama na Cable Girls.

Kung French naman, panoorin ang spy comedy na A Secret Service, ang La Mante o ang The Forest.

Kung gusto mong matutong mag-Japanese, andaming Anime sa Netflix tulad ng Kakeguri, Devilman Crybaby at Violet Evergarden.  May live-action din tulad ng romcom na Good Morning Call, time-bending drama Erased at reality show na Terrace House.

Pag Chinese naman, subukan ang King's War, All Quiet in Peking at meron ding mga classic martial arts movies. Panoorin din ang On Children, ang sagot ng Taiwan sa Black Mirror.

Madami ring Korean shows dito kung gusto mong marinig at matutunan iyung actual na salitang Koreano at hindi iyung dinub sa Tagalog. I-try ang A Korean Odyssey, Something in the Rain, at Prison Playbook.

Maghanap lang sa Search ng Netflix at malamang may makikita kang palabas sa wikang gusto mo. 

No comments:

Post a Comment

HINDI LANG SI SABRINA ANG BIDA SA HULING LINGGO NG OCTOBER. PATI SI ADAM SANDLER

In the final week of October, ang obvious na bida ay ang Chilling Adventures of Sabrina. Isa na naman itong reimagining ng characters mula s...