Tuesday, October 16, 2018

NEW TO NETFLIX: OCTOBER 8 TO 15

Dahil produktong Kano ang Netflix, siyempre kailangan may Halloween feels ang mga palabas nila ngayong October.


Una na ang pelikulang Apostle. Ang taon ay 1905, at isang lalaki ang pupunta sa isla ng isang kulto upang iligtas ang babaing kapatid na kinidnap ng mga cult leaders. Ngunit isang nakapapangilabot na sikreto ng isla ang mabubunyag.

Sunod naman ang Errementari: The Blacksmithand The Devil.  Gawa itong pelikula sa Basque at tungkol naman sa isang panday na meron ding nakakapangilabot na sikreto na mabubunyag naman ng isang batang babae.


Para maiba naman, subukang panoorin ang The Curious Creations of Christine McConnell. Para itong pinaghalong Martha Stewart, Sesame Street at Addams Family. Panoorin nyo at nakakatawa. Pero hindi siya pambata ha?


Available na rin ang Rogue One: A Star Wars Story. Hindi naman siya scary movie pero pwedeng gawing Halloween costumes ang mga characters.


At para sa mga Arrowverse fans, may bagong seasons ang Arrow, Flash, Supergirl at Legends of Tomorrow.

No comments:

Post a Comment

HINDI LANG SI SABRINA ANG BIDA SA HULING LINGGO NG OCTOBER. PATI SI ADAM SANDLER

In the final week of October, ang obvious na bida ay ang Chilling Adventures of Sabrina. Isa na naman itong reimagining ng characters mula s...