Monday, October 22, 2018

SI DAREDEVIL AT APAT NA BATANG MAKULIT BIDA SA 3RD WEEK NG OCTOBER 2018

Ang pinakabida sa linggong ito ay ang bagong season ng Daredevil. Isang episode pa lang ang napapanood ko and I'm hoping na makabawi ang season na ito sa medyo ho-hum na season 2. It's a good thing na si Kingpin muli ang main bad guy, the best villain in the Netflix side of the Marvel Universe. Well, 2nd best. Number one baddie is still Kilgrave sa Season 1 ng Jessica Jones.

May new season din ng Black Lightning pero weekly ang pagdating ng bagong episodes, di isang bagsakan lang.

May dalawang bagong Netflix original foreign movies ang nagdebut at pareho kong nagustuhan.

Ang una ay ang Indonesian film na The Night Comes For Us na tungkol sa isang Triad syndicate member na bumaligtad para iligtas ang isang batang babae sa ginawang masaker ng kanilang grupo. Hitik sa brutal na fight scenes ito at maiibigan ito ng mga action film fans.

Maganda rin naman ang Korean futuristic noir na Illang: The Wolf Brigade.  Sa near future, isang grupo ang binuo para kalabanin ang mga teroristang hindi pabor sa unification ng North at South Korea. Ang problema, may dinadalang mabigat ang grupo mula sa isang aksidenteng kinasangkutan nila.

Isang bagong comedy series ang nagdebut din this week, ang Best. Worst. Weekend. Ever. Oo, iyan talaga ang title. Tungkol ito sa tatlong magkaibigan na fan ng isang comicbook na nais ma-meet ang kanilang idolong comic writer.

Siyempre, Halloween month kaya may katatakutan ding programa. Ito ang Haunted. Ikukuwento rito ng iba-ibang mga tao na naranasan nilang mga kababalaghan. Parang Gabi Ng Lagim ng KMJS ang style ng show nito.

Mga bagong movies na nadagdag nitong week ay ang Child's Play 3, The Incredible Hulk, Snow White and The Huntsman, Bean: The Movie, Les Miserables, Couples Retreat, Dr. Seuss' The Lorax, Eternal Sunshine of the Spotless Mind, This is 40, Savages, Contraband, Public Enemies, American Gangster, Bridget Jones' Diary, Along Came Polly at ilang American Pie movies. May bagong season ng Vampire Diaries at meron pang isangkaterbang mga Koreanovela!

No comments:

Post a Comment

HINDI LANG SI SABRINA ANG BIDA SA HULING LINGGO NG OCTOBER. PATI SI ADAM SANDLER

In the final week of October, ang obvious na bida ay ang Chilling Adventures of Sabrina. Isa na naman itong reimagining ng characters mula s...