Tuesday, May 15, 2018

MAIKLING REBYU: THE NEW LEGENDS OF MONKEY

Kung isa kayo sa mga naging fans ng Hercules at Xena na pinalabas sa Channel 5 nung 90s, magugustuhan nyo ang bagong series ng Netflix na The New Legends of Monkey.

Hindi kami loveteam. Di na uso yun sabi ni Mother Lily


Tungkol ito sa isang god na nagngangalang Monkey na ikinulong ng mga demons sa isang bundok sa loob ng 500 taon at pinakawalan ng isang babaeng monk para tulungan siyang hanapin ang mga nawawalang scrolls.

Katulad ng Hercules at Xena ay hitik sa aksyon at katatawanan ang palabas. Hindi siya bayolente at magugustuhan ito ng maliliit na bata. Pero hindi naman ito masyadong pambata na ikabo-bore ng mga adults.

Ito ay remake ng Monkey na ipinalabas noong 70s sa Australia at UK.  Kung gusto nyo ay panoorin nyo rin sa YouTube ang original na pinagbibidahan ng mga Hapon para ma-enjoy nyo ang parehong bersiyon.

No comments:

Post a Comment

HINDI LANG SI SABRINA ANG BIDA SA HULING LINGGO NG OCTOBER. PATI SI ADAM SANDLER

In the final week of October, ang obvious na bida ay ang Chilling Adventures of Sabrina. Isa na naman itong reimagining ng characters mula s...