Sunday, October 7, 2018

NEW TO NETFLIX: FIRST WEEK OF OCTOBER

Maraming nag-debut na Netflix originals this week lalo na noong October 4. 


Ang pinakanagustuhan ko ay ang dramedy na Private Life. Tungkol ito sa may-edad na mag-asawa na hindi magka-anak. Matapos mag-fail sa IVF naisipan nilang humingi ng donor egg sa kanilang pamangkin. Magaling ang pagkakaganap ng mga beteranong sina Paul Giammati, Kathryn Hann at Saturday Night Live alumnus Molly Shannon.

I was expecting to watch the docuseries Empire Games, tungkol sa ancient empires, at ang horror movie na Malevolent. Kaya lang hindi sila available kahit na Netflix original sila.

Other noteworthy debutantes this week include :


Creeped Out - isang horror anthology series para sa older kids. Parang Are You Afraid of the Dark or Eerie Indiana nung 90s. Or you can call it Black Mirror Junior.

Meat Eater - isa itong reality show tungkol sa isang gamehunter. Vegans beware!

The Rise of Phoenixes - isang power struggle ang nagaganap sa China sa panahon ng Tiansheng dynasty. 60 episodes ito!

Operation Finale - noong 60s, isang grupo ng mga Israeli agents ang magtatangkang hulihin ang isang Nazi war criminal.


Meron ding magagandang panoorin mula sa other content providers. Para sa kids ang Coraline at Babe. For mature viewers naman ang EdTV, Red Dragon at 12 Monkeys. Nandiyan din ang season 5 ng Prison Break at season 4 ng Gotham.

No comments:

Post a Comment

HINDI LANG SI SABRINA ANG BIDA SA HULING LINGGO NG OCTOBER. PATI SI ADAM SANDLER

In the final week of October, ang obvious na bida ay ang Chilling Adventures of Sabrina. Isa na naman itong reimagining ng characters mula s...