![]() |
| Hindi ito Shrek. |
Ang kaibahan lang nito sa ibang buddy-cop story ay hindi dalawang pulis ang magkasama. Sa halip ang partners ay isang disgraced ex-cop turned hitman at isang asul na imaginary being na pinagsamang unicorn at donkey (isang uni-donkey)!
Nagkasama ang dalawa ng biglang magpakita si Happy, ang imaginary being, kay Sax para hingin ang tulong nito na iligtas ang kaibigan niyang batang babae na dinukot ng isang pyscho na naka Santa suit.
Pasado sa panlasa ko ang programang ito. Sapul ang palitan ng asaran nina Sax at Happy, at nakakataswa rin ang pagiging inosente ni Happy sa mga bagay na normal na para sa mga tulad ni Sax.
![]() |
| Isa pang magsabing Shrek ito, ipapasipa ko sa Ogre na nasa likod ko! |
Marami ring action scenes si Christopher Meloni dito na gumaganap bilang Sax. Lumabas siya sa Law and Order: Special Victims Unit. Ang nagboses naman kay Happy ay si Patton Oswalt isang kilalang stand-up comedian at nagboses kay Remy sa Ratatouille.
Siya nga pala. Bagama't may cartoon character dito ay hindi ito pambata. Napakabayolente nito at may mga sekswal na eksena. Ang Happy ay mas ma-e-enjoy ng mga adults.


No comments:
Post a Comment