Tuesday, June 26, 2018

MAIKLING REBYU: SET IT UP

Ang romantic comedy ay isang genre na madalang o hindi na yata ginagawa sa US movies.  Pag sinabing rom-com, ang ilan sa mga kilalang bumida sa mga ganito ay sina Jimmy Stewart, Audrey Hepgurn, Meg Ryan, Tom Hanks, Reese Witherspoon at Matthew McConaughey.
Pati yung poster, old school rom-com din!

Kung wala nang rom-com sa mga sinehan, ay mukhang magkakaroon na ito ng bagong tahanan sa Netflix.  Nitong buwan ng Hunyo nagdebut ang pelikulang Set It Up.

Tungkol ito sa dalawang executive assistants. Ang isa ay si Charlie at ang kanyang boss ay si Rick, isang kahihiwalay lang na businessman. At ang isa naman ay si Harper, na nagtatrabaho para kay Kirsten, isang sikat na sports reporter.

Ang kanilang mga boss ay malulupit sa oras, mga pala-utos at maiinitin ang mga ulo. Isang araw ay nagkakilala ang dalawang assistant at gumawa ng planong i-push na magkaroon ng relasyon ang kanilang mga boss.  At kapag nagkatuluyan ang kanilang mga bosing, baka gumanda ang mga ugali nito at maging busy sa isa't-isa. Ibig sabihin magkakaroon na ng oras ang mga assistant para sa ibang bagay at para sa kanilang mga kasintahan.

Tagumpay ang pelikula sa pagbubuhay ng traditional rom-com.  Traditional dahil nakita natin muli ang mga elementong laman ng isang clasdic rom-com: ang character ng isang cute at nerdy na bidang babae, ang pag-aaway tapos magkakagustuhan at ang mga slapstick at awkward moments ng pagpipilit magkatagpo ng kanilang mga boss.   Magaling ang pagkakaganap ng apat na pangunahing tauhin. At nakakatawa at fresh ang maya't-mayang mga one-liner. Inaasahan naman talaga ito dahil ang direktor nito ay nagdirek din sa nakakatawang Netflix sitcom na The Unbreakable Kimmy Schmidt.

Papasa ito sa panlasa ng mga rom-com fans at pati na ng mga comedy fans. Perfect din itong date movie para sa mga magsyota at mag-asawa. Tipid pa dahil sa bahay nyo lang ito panonoorin.

No comments:

Post a Comment

HINDI LANG SI SABRINA ANG BIDA SA HULING LINGGO NG OCTOBER. PATI SI ADAM SANDLER

In the final week of October, ang obvious na bida ay ang Chilling Adventures of Sabrina. Isa na naman itong reimagining ng characters mula s...