Monday, March 19, 2018

DAMNATION: NAPANOOD NYO NA?

Sa dami ng palabas na pwedeng mapanood sa Netflix Philippines ay malamang na maraming magagandang palabas ang nakalagpas sa inyong radar.
Ang papalit sa Hollywood sign

Isa na marahil ang western drama na Damnation. Ang Damnation ay co-produced ng Netflix at USA Network. Una itong ipinalabas last year sa USA Network at ngayon ay available na sa Netflix Philippines.

Ang setting ay naganap noong 1930s sa Iowa sa panahon ng The Great Depression.  Isang strike ang isinagawa ng mga farmers laban sa hindi patas na pagpresyo sa kanilang mga produkto ng mga negosyante at laban din sa panggigipit sa kanila ng bangko.  Ang pasimuno ng strike ay ang dayong preacher na si Seth Davenport, na makikita nating hindi lang sa panenermon maalam, kundi pati sa pamamaril.

Hindi kita nakita sa church kahapon a? Sinamahan ako nina Colt, Smith at Wesson para mag-explain ka.
Isa namang strikebreaker, si Creeley Turner, ang inupahan ng bangko at mga negosyante para tapusin ang strike sa kahit anong paraan.  Makikita rin natin na master sa pagbaril si Turner, magaling pa sa preacher.

Okay, preacher. Syangapala, may mga kaibigan din akong ganun ang mga pangalan.

Kahit 1930s Iowa pa ang setting nito ay napapanahon pa rin ang paksa na tinatalakay nito.  Tungkol sa patuloy na pakikipaglaban ng mga manggagawa at mga negosyante.  Ang nais ng mga manggagawa ay patas sa sahod o kita. Ang mga negosyante naman ay gustong kumita ng sobra kahit na madehado ang mga taong nasa ibaba nila. Isang labanang parang wala nang katapusan.

Mabalik tayo sa Damnation.  Bagamat drama ito ay hindi naman mabo-bore ang manonood dahil Western nga ito at siyempre maraming barilan. At habang umaandar ang mga episodes ay maraming matutuklasan sa buhay ng magkalabang sina Seth at Creeley na ikagugulat ng manonood.



No comments:

Post a Comment

HINDI LANG SI SABRINA ANG BIDA SA HULING LINGGO NG OCTOBER. PATI SI ADAM SANDLER

In the final week of October, ang obvious na bida ay ang Chilling Adventures of Sabrina. Isa na naman itong reimagining ng characters mula s...