![]() |
| Old dog, new tricks, new movie |
Ang original na Benji ay ipinalabas sa mga sinehan noong 70s at nagkaroon ng ilang sequels. Ang huli ay noon pang 2004. Ibig sabihin isang buong henerasyon ng kabataan ang maaaring hindi nakakakilala sa matalinong aso.
Muli itong binuhay ng Netflix kasama ang Blumhouse Films na gumawa ng Get Out at Paranormal Activity. Huwag mag-alala, hindi kakain ng tao si Benji sa version na ito. Ang director nito ay si Brandon Camp, anak ng lumikha ng Benji.
Katulad ng unang pelikula, si Benji ay isang stray dog pero matalino. Inampon siya ng dalawang batang magkapatid pero ayaw sa aso ng kanilang widow mom. Kinidnap ng mga holdupper ang mga bata dahil na-witness nila ang panloloob nito sa isang pawnshop. At siyempre, to the rescue si Benji.
Magugustuhan ito ng mga younger kids, pero I doubt iyung mga teens. Wag mag-alala ang mga parents dahil hindi boring ang pelikula. Pero kung pa-intellectual kang viewer, iwasan mo na ito.
Sigurado akong may susunod pang Benji movies at hindi rin malabong magkaroon ng TV series.

No comments:
Post a Comment