Andami na namang original series at movies ang Netflix Philippines para sa buwang ng Abril. At hindi ito April Fool's Day joke! Ngayong buwan na rin ipapalabas ang unang series ng TV5 na inacquire ng Netflix, ang Amo
April 6
Sundogs (MOVIE)
Isang binatang may iba sa pag-iisip ang gustong sumali sa US Army para kalabanin si Osama at ang Al-Qaeda.
6 Balloons (MOVIE)
Tungkol ito sa magkapatid, ang isa ay isang recovering addict na muling nalulon sa droga at ang isa naman ay ang kanyang kapatid na babae na tutulong ayusin ang buhay ng kanyang brother.
Amateur — (MOVIE)
Tungkol sa isang basketball protege at ang mga imoral at corrupt na pamamalakad sa amateur sports na umapekto sa bata niyang career.
Money Heist: Part 2 — (SERIES)
Ang pagpapatuloy ng crime drama na kilala rin sa titulong La Casa de Papel
Orbiter 9 — (MOVIE)
Isang babae ang lilipad sakay ng isang spaceship papunta sa mga Earth colonies para sa kanyang birthday. Nang ito ay masira, isang repairman ang dumating. At mula sa repairman, ang katotohanan ng kanyang paglakbay ay mabubunyag.
The Boss Baby: Back in Business: Season 1 — (SERIES)
Nagbabalik si Boss Baby kasama ang kanyang kuya para patakbuhin ang kanyang "baby factory".
Troy: Fall of a City: Season 1 — (SERIES)
Kuwento ng dalawang nag-iibigan at kung paanong ang kanilang relasyon ay naglagay sa mga siyudad ng Greece at Troy sa giyera. Una itong ipinalabas sa BBC 1
April 9
Amo: Season 1– (SERIES)
Ito na ang unang bunga ng partnership ng Netflix at TV5. Tungkol ito sa droga, bida si Derek Ramsay at dinirehe ni Brillante Mendoza
April 13
Come Sunday — (MOVIE)
Tungkol ito sa isang controversial na preacher na nagsabing walang impiyerno
![]() |
| E antukin ako e. Kaya may dala akong unan. |
Lost in Space: Season 1 - (SERIES)
Reboot ng sikat na sci-fi show noong 60s, kung saan isang grupo ng space colonists ang naligaw sa space!
April 20
Dude — (MOVIE)
Isa na namang coming-of-age story, na nakakahiligan yata ng Netflix nitong mga nakaraang buwan. Tungkol ito sa mga teenagers at ang mga magbabago sa buhay nila, dalawang linggo bago sila matapos sa high school.
Mercury 13 — (DOCUMENTARY)
Docu tungkol sa mga babaing hindi napili para maging astronauts noong 60s.
April 21
The Letdown: Season 1 — (SERIES)
Isa itong Australian comedy sa kung saan ikukuwento kung gaano kahirap ang maging ina ng isang newborn baby
April 25
Psychokinesis — (MOVIE)
Korean sci-fi comedy! Nang matuklasan ng isang ama na may powers siya, gagamitin niya ito para tulungan ang isang problemadong anak.
April 27
Bobby Kennedy for President — (DOCUMENTARY)
Tatalakayin dito ang pagtakbo sa Pagkapangulo ng USA ng nakababatang kapatid ni John F Kennedy, si Robert.
Candy Jar — (SERIES)
Kung maaalala ninyo, last year ay nagpa-audition ang Netflix para sa cast ng show na ito. And yes, isa na naman itong high school story kung saan na-inlove ang isang babae sa kanyang mayamang kalaban sa school debate team.
The New Legends of Monkey: Season 1 — (SERIES)
Uso na talaga ang mga remakes. Ang action-fantasy na ito ay binase sa sikat na Monkey series nang Japan nung 70s.
The Week Of — (MOVIE)
Gaganap na parents ng mga ikakasal sina Adam Sandler at Chris Rock.
Tandaan: maaari pang magbago mga ang schedules na iyong nabasa.


No comments:
Post a Comment