Tuesday, March 27, 2018

MGA NETFLIX SHOWS PARA SA HOLY WEEK

Iwan muna natin ang mga superheroes, ang mga druglords at ang mga royals. Ngayong Semana Santa, subukang panoorin itong mga palabas patungkol sa paniniwalang Kristiyano.  Bilang isang Katoliko, inirerekomenda ko ang panonood ng mga ito.



Call Me Francis (Series)

On his path to becoming Pope Francis, Father Jorge Bergoglio pursues his religious vocation in a country ravaged by a brutal military dictatorship.

The Red Tent (Miniseries)

The story of the twelve tribes of Israel is told through the eyes of Jacob's only daughter, Dinah.

David and Goliath

While the army of Israel cowers before the taunts of Philistine giant Goliath, young shepherd David finds the courage and faith to meet him in combat.

Patterns of Evidence: Exodus

The film presents evidence that the biblical story of the Exodus of the Hebrew slaves from Egypt really happened during the Middle Kingdom of Egypt.

Prince of Egypt

An Egyptian prince learns of his identity as a Hebrew and his destiny to become the chosen deliverer of his people.

Joseph: King of Dreams

A boy's ability to see the future results in familial discord, taking him away to Egypt, where he helps the pharaoh protect the kingdom from disaster.

AD: Kingdom and Empire (Series)

In the wake of Jesus Christ's crucifixion, his apostles dedicate themselves to spreading his message, risking their freedom and their lives

Monday, March 26, 2018

JAPAN JAPAN SA NETFLIX PHILIPPINES

Tired of those countless and endless US-made TV shows? Then try these sweet and short series from Japan. Cue in "Turning Japanese" by The Vapors"!

Samurai Gourmet
Umm. Tsalap-tsalap!

 A 60 year old retired salary-an finds new purpose in exploring the food of his neighborhood. Aided by his fantasy companion, a samurai who inspires him to boldly experience this new chapter of his life. Pagkatapos manood ng isang episode magkakaroon ka ng urge na kumain ng masarap!

Re:Mind
Magpapa-audition kami ng 12th member. Sa Eat Bulaga gagawin.

11 high school girls awaken bound to the floor of a dining room and must discover why they are there and how they can escape. Nakakabaliw!

Blazing Transfer Students
Banned sa synchronized swimming

Seven transfer students (all played by members of the Japanese group Johnny's West) get called to a high school run by a mysterious headmaster. What do these seven seemingly unrelated transfer students have in common? Para kang nanood ng live-action na animè!

Erased
Walang gamot sa time-travel sickness!

After finding his mom killed, Satoru's time-traveling ability takes him back 18 years for a chance to prevent her death and those of three classmates. Magugustuhan ng mga mahilig sa time-travel stories. Iyung original na animè ay nasa na Netflix Philippines din.

Kantaro: The Sweet Tooth Salaryman
Kakainin ko ba ito?

A stoic book salesman leads a double life as he plays hooky from work to write his sweets blog. In his journey to attain a glimpse of sweets heaven Kantaro samples various Japanese and Western sweets. Nakakasakit ng ngipin, hehehe!


Friday, March 23, 2018

ANONG BAGO SA NETFLIX NGAYONG ABRIL 2018



Andami na namang original series at movies ang Netflix Philippines para sa buwang ng Abril.  At hindi ito April Fool's Day joke! Ngayong buwan na rin ipapalabas ang unang series ng TV5 na inacquire ng Netflix, ang Amo

April 6

Sundogs (MOVIE)
Isang binatang may iba sa pag-iisip ang gustong sumali sa US Army para kalabanin si Osama at ang Al-Qaeda.

6 Balloons (MOVIE)
Tungkol ito sa magkapatid, ang isa ay isang recovering addict na muling nalulon sa droga at ang isa naman ay ang kanyang kapatid na babae na tutulong ayusin ang buhay ng kanyang brother.

Amateur — (MOVIE)
Tungkol sa isang basketball protege at ang mga imoral at corrupt na pamamalakad sa amateur sports na umapekto sa bata niyang career.

Money Heist: Part 2 — (SERIES)
Ang pagpapatuloy ng crime drama na kilala rin sa titulong La Casa de Papel

Orbiter 9 — (MOVIE)
Isang babae ang lilipad sakay ng isang spaceship papunta sa mga Earth colonies para sa kanyang birthday. Nang ito ay masira, isang repairman ang dumating. At mula sa repairman, ang katotohanan ng kanyang paglakbay ay mabubunyag.

The Boss Baby: Back in Business: Season 1 — (SERIES)
Nagbabalik si Boss Baby kasama ang kanyang kuya para patakbuhin ang kanyang "baby factory".

Troy: Fall of a City: Season 1 — (SERIES)
Kuwento ng dalawang nag-iibigan at kung paanong ang kanilang relasyon ay naglagay sa mga siyudad ng Greece at Troy sa giyera. Una itong ipinalabas sa BBC 1

April 9

Amo: Season 1– (SERIES)
Ito na ang unang bunga ng partnership ng Netflix at TV5. Tungkol ito sa droga, bida si Derek Ramsay at dinirehe ni Brillante Mendoza

April 13

Come Sunday — (MOVIE)
Tungkol ito sa isang controversial na preacher na nagsabing walang impiyerno

E antukin ako e. Kaya may dala akong unan.


Lost in Space: Season 1 - (SERIES)
Reboot ng sikat na sci-fi show noong 60s, kung saan isang grupo ng space colonists ang naligaw sa space!

April 20

Dude — (MOVIE)
Isa na namang coming-of-age story, na nakakahiligan yata ng Netflix nitong mga nakaraang buwan.  Tungkol ito sa mga teenagers at ang mga magbabago sa buhay nila, dalawang linggo bago sila matapos sa high school.

Mercury 13 — (DOCUMENTARY)
Docu tungkol sa mga babaing hindi napili para maging astronauts noong 60s.

April 21

The Letdown: Season 1 — (SERIES)
Isa itong Australian comedy sa kung saan ikukuwento kung gaano kahirap ang maging ina ng isang newborn baby

April 25

Psychokinesis — (MOVIE)
Korean sci-fi comedy! Nang matuklasan ng isang ama na may powers siya, gagamitin niya ito para tulungan ang isang problemadong anak.

April 27

Bobby Kennedy for President — (DOCUMENTARY)
Tatalakayin dito ang pagtakbo sa Pagkapangulo ng USA ng nakababatang kapatid ni John F Kennedy, si Robert.

Candy Jar — (SERIES)
Kung maaalala ninyo, last year ay nagpa-audition ang Netflix para sa cast ng show na ito. And yes, isa na naman itong high school story kung saan na-inlove ang isang babae sa kanyang mayamang kalaban sa school debate team.

The New Legends of Monkey: Season 1 — (SERIES)
Uso na talaga ang mga remakes. Ang action-fantasy na ito ay binase sa sikat na Monkey series nang Japan nung 70s.

The Week Of — (MOVIE)
Gaganap na parents ng mga ikakasal sina Adam Sandler at Chris Rock.

Tandaan: maaari pang magbago mga ang schedules na iyong nabasa.

Monday, March 19, 2018

DAMNATION: NAPANOOD NYO NA?

Sa dami ng palabas na pwedeng mapanood sa Netflix Philippines ay malamang na maraming magagandang palabas ang nakalagpas sa inyong radar.
Ang papalit sa Hollywood sign

Isa na marahil ang western drama na Damnation. Ang Damnation ay co-produced ng Netflix at USA Network. Una itong ipinalabas last year sa USA Network at ngayon ay available na sa Netflix Philippines.

Ang setting ay naganap noong 1930s sa Iowa sa panahon ng The Great Depression.  Isang strike ang isinagawa ng mga farmers laban sa hindi patas na pagpresyo sa kanilang mga produkto ng mga negosyante at laban din sa panggigipit sa kanila ng bangko.  Ang pasimuno ng strike ay ang dayong preacher na si Seth Davenport, na makikita nating hindi lang sa panenermon maalam, kundi pati sa pamamaril.

Hindi kita nakita sa church kahapon a? Sinamahan ako nina Colt, Smith at Wesson para mag-explain ka.
Isa namang strikebreaker, si Creeley Turner, ang inupahan ng bangko at mga negosyante para tapusin ang strike sa kahit anong paraan.  Makikita rin natin na master sa pagbaril si Turner, magaling pa sa preacher.

Okay, preacher. Syangapala, may mga kaibigan din akong ganun ang mga pangalan.

Kahit 1930s Iowa pa ang setting nito ay napapanahon pa rin ang paksa na tinatalakay nito.  Tungkol sa patuloy na pakikipaglaban ng mga manggagawa at mga negosyante.  Ang nais ng mga manggagawa ay patas sa sahod o kita. Ang mga negosyante naman ay gustong kumita ng sobra kahit na madehado ang mga taong nasa ibaba nila. Isang labanang parang wala nang katapusan.

Mabalik tayo sa Damnation.  Bagamat drama ito ay hindi naman mabo-bore ang manonood dahil Western nga ito at siyempre maraming barilan. At habang umaandar ang mga episodes ay maraming matutuklasan sa buhay ng magkalabang sina Seth at Creeley na ikagugulat ng manonood.



Sunday, March 18, 2018

ANG PAGBABALIK NI BENJI

Kung mahilig kayo sa mga movies na ang bida ay aso o may mga maliliit na anak na mahilig sa aso o may alaga kayong aso, siguradong maiibigan ninyo ang Benji.

Old dog, new tricks, new movie


Ang original na Benji ay ipinalabas sa mga sinehan noong 70s at nagkaroon ng ilang sequels. Ang huli ay noon pang 2004. Ibig sabihin isang buong henerasyon ng kabataan ang maaaring hindi nakakakilala sa matalinong aso.

Muli itong binuhay ng Netflix kasama ang Blumhouse Films na gumawa ng Get Out at Paranormal Activity. Huwag mag-alala, hindi kakain ng tao si Benji sa version na ito. Ang director nito ay si Brandon Camp, anak ng lumikha ng Benji.

Katulad ng unang pelikula, si Benji ay isang stray dog pero matalino. Inampon siya ng dalawang batang magkapatid pero ayaw sa aso ng kanilang widow mom.  Kinidnap ng mga holdupper ang mga bata dahil na-witness nila ang panloloob nito sa isang pawnshop. At siyempre, to the rescue si Benji.

Magugustuhan ito ng mga younger kids, pero I doubt iyung mga teens.  Wag mag-alala ang mga parents dahil hindi boring ang pelikula. Pero kung pa-intellectual kang viewer, iwasan mo na ito.

Sigurado akong may susunod pang Benji movies at hindi rin malabong magkaroon ng TV series.


Wednesday, March 7, 2018

MAY DISNEY NA SA NETFLIX!

Kahit may mga balitang aalisin na ng Disney ang mga programa sa Netflix para magtayo ng sarili nilang streaming service ay ginulat naman nila tayo nitong mga unang araw ng Marso.  Simula noong March 1 ay naging available na sa Netflix Ph ang ilan sa kanilang mga animated blockbusters. At nagpatuloy ang pagdagdag ng mga bagong palabas ng Disney hanggang noong March 4. At nakasama rin ang mga palabas ng mga Disney-owned properties tulad ng Marvel at Star Wars!
Di pa tayo aalis Woody. Mga next month na siguro.


Ito ang mga programang mapapanood na natin sa ating local Netflix:
The Lion King
Wreck-It Ralph
The Incredibles
Frozen
Tangled
The Jungle Book
Cars
Finding Nemo
Zootopia
Ratatouille
Aladdin
Tarzan
Brave
Toy Story 1, 2 and 3
The Lion King

The Avengers
Thor
Captain America 1 & 2
Iron Man 1 & 3 (asan ang 2?)

Pirates of the Carribean: At World's End
Enchanted
Alice in Wonderland
Game Plan

Star Wars: The Force Awakens

Kaya't kung ito ang mga pelikulang kinalakihan nyo ay puwede nyo na uli silang balikan kahit anong oras. Tamang-tama sa bakasyon. Or yayain ang mga bata na panoorin ang The Lion King, Toy Story or Aladdin nang malaman nilang mas maganda ang pinanood natin noon kumpara sa Peppa Pig.

HINDI LANG SI SABRINA ANG BIDA SA HULING LINGGO NG OCTOBER. PATI SI ADAM SANDLER

In the final week of October, ang obvious na bida ay ang Chilling Adventures of Sabrina. Isa na naman itong reimagining ng characters mula s...