Tuesday, November 28, 2017

SEASON 1 EPISODE 1: THE SINNER


Naaalala nyo ba si Jessica Biel? Siya ang gumanap na, pangalawa sa limang magkakapatid na anak ni Reverend Camden sa feel-good family drama na 7th Heaven. Muli siyang nagbabalik sa telebisyon ngayon sa isang crime/psychology drama, ang The Sinner, na mapapanood sa Netflix.

Si Jessica ay si Cora Tanning isang regular young working mother na si di malamang dahilan ay brutal na pinagsasaksak hanggang mapatay ang isang lalaking nagngangalang Frankie Belmont sa beach.  Ang tanging dahilan lang niya ay maingay magpatugtog ang lalaki. Ang humawak ng imbestigasyon ay si Detective Henry Ambrose na ginampanan ni Bill Pullman (siya iyung presidente sa Independence Day).

Sa kanyang pagiimbistiga ay natuklasan niyang maaaring kilala talaga ni Cora si Frankie, dahil ayon sa isang witness ay nakita niya sa mukha ni Frankie na kilala niya ang babae at nagpaubaya itong magpasaksak.

Sa mga memory flashbacks naman ay nakita natin ang mga ilang munting eksena ng kabataan ni Cora. Nung bata siya, sa kanya isinisi ng kanilang madasaling ina kung bakit mahina  at sakitin ang kanyang bunsong kapatid.

Bago matapos ang unang episode ay tinanong ng korte kung ano ang plea ni Cora. Natapos ang eksena na hindi pa sumasagot si Cora kaya sa episode 2 pa natin malalaman.

Natural, panonoorin ko ang susunod dahil nabitin sa plea. Pero kahit nagkaganon sa ending, gusto ko pa ring malaman kung bakit niya pinatay ang lalaki. Mukhang may malalim at masalimuot na dahilan at ito ang magpapanatili ng interes kong panoorin ang buong season ng The Sinner.

Tuesday, November 21, 2017

SEASON 1 EPISODE 1: MARVEL'S THE PUNISHER

Matapos makipaggulpihan ni Frank "The Punisher" Castle kay Matt "Daredevil" Murdock sa second season ng Daredevil, ngayon ay may sarili nang series ang bayolenteng vigilante.
Sinong susunod?
📷 Entertainment Weekly

Sa unang episode ng Marvel's The Punisher, napatay na niya ang lahat ng mga pinaniniwalaang sangkot sa pagmasaker ng kanyang pamilya. Ngayon ay isa na lang siyang construction worker. Pero may galit pa rin sa kanyang dibdib at ang pagtibag sa mga pader gamit ang maso ang kanyang labasan ng sama ng loob.

Hindi siya nakikisalamuha sa ibang katrabaho at dahil dito ay kinaiinisan siya. Isang baguhan na si Donald ang sumubok na kaibiganin siya.
Isang araw ay nayaya si Donald ng mga katrabaho niya na holdapin ang sugalan ng isang malaking sindikato. Sa malas ay nalaglag ni Donald ang kanyang lisensya at nakita ito ng mga goons.

Dahi dito ay ninais siyang patayin ng mga kasama niya sa panghoholdap. Pero bumalik sa pagka-Punisher si Frank. Niligtas niya si Donald at pinatay ang mga kasama nito. Pinuntahan din niya ang sindikato at niratrat ang mga ito.
Unang episode pa lang ay puno na ng aksiyon kaya't siguradong panonoorin ko ang series na ito. Inaasahan ko na may cameo ang ilan sa mga miyembro ng Defenders, kung hindi ang lahat.
Kung dati dedbol ang niyayari ko, ngayon mga kriminal ang dinededbol ko!

Ang gumaganap na Punisher ay si Jon Bernthal. Maaaring nakilala mo siya sa The Walking Dead bilang si Shane.

Tuesday, November 7, 2017

SEASON 1 EPISODE 1: ALIAS GRACE



Mahilig ako sa mga period stories. Ang period story ay yaong mga kwento na ang panahon ng kaganapan ay mga unang panahon. Kasama sa kategoryang ito ang bagong series ng Netflix ang Alias Grace. Mula sa pananamit hanggang sa paraan ng pananalita ng mga tauhan ay damang-dama mo ang 19th century Canada. Nalalasahan mo ang hangin ng panahong iyon.

Makikilala natin si Grace Marks, 15 years nang nakakulong dahil sa pagpatay sa dati niyang amo at sa isa pang katulong nito. Ang sinasabing naging accomplice niya na si James McDermott ay binigti. Si Grace ay nakatuwaan ng mga nakatira sa bahay ng prison governor. Kumuha pa sila ng psychiatrist, si Dr. Simon Jordan, para kapanayamin si Grace at pag-aralan kung maaari itong makalaya. Hindi kasi maalala ni Grace kung pinatay nga ba niya ang amo at katulong kahit na may mga pa-unti-unting flashback siya ng mga naganap.

Gusto ko sanang sabihing "I did not kill anybody!", pero parang may nagsabi na nun!

Sa interview din ni Doc Jordan ay na-witness din natin sa isang mahabang backstory kung paanong mula sa Ireland ay napadpad ang pamilya ni Grace sa Canada. Namatay sa barko ang kanyang ina at sinubukan naman siyang halayin ng kanyang ama. Dito ay naisipan na niyang patayin ang ama, di nga lang natuloy. Maaari kayang indikasyon ito na may kakayahan siyang pumatay? Nabanggit din niya ang pangalang Mary Whitney, na nung una ay alyas lang daw nya pero nung lumaon ay isa ring katulong na nakatrabaho niya. Pero sino ba talaga si Mary Whitney?

Napakagaling ng pagganap dito ni Sarah Gadon bilang si Grace. Nagagawa niyang pag-ibahin ang kanyang mukha kapag hinihingi ng eksena tulad ng isang hindi talaga gagawa ng mabuti papunta sa mukha ng hindi makabasag-pinggan.

Naibigan ko rin ang lengguwahe at ang dialog na pag-iisipin ka kung matino ba itong si Grace o may sayad talaga. Sa akin, ang dami niyang sinabi sa isip niya na halatang may tama talaga ang babaing ito.

Kung ipagpapatuloy ko ang panonood nito, ang tugon ko ay oo. Nasasabik na akong malaman kung mailalabas ni Dr. Jordan ang nawawala (o tinatago) na mga memories ni Grace tunngkol sa pagpatay.

Thursday, November 2, 2017

ANONG BAGO SA NETFLIX NGAYONG NOVEMBER 2017

Mukhang magiging busy na naman tayong mga Netflix fans dahil andami na namang mga bagong original movies at tv series na ilalabas ngayong November. Kahit na sa totoo lang, e marami pa tayong mga sinusubaybayan na hindi pa natin tapos!

Nood na!

 Mayroong 32 movies and tv shows na sasama sa pila ng inyong Continue Watching list. Ito ang ilan sa mga excited na akong mapanood.

ALIAS GRACE (SERIES) NOV 3

Si Grace ay isang Irish housemaid na nakulong nuong 1843 dahil sa pagpatay sa kanyang amo. Ngunit sinasabi niyang wala siyang naaalalang ginawa niya ito kahit na lahat ng ebidensiya ay nakaturo sa kanya. Isang dekada ang lumipas, isang doktor ang tutulong na maibalik ang memorya niya tungkol sa krimen.

Hindi sila half-sisters


BLAZING TRANSFER STUDENTS (SERIES) NOV 10

Binase sa manga ng parehong titulo ang live-action Japanese seties na ito. Pitong estudyante na iisa ang pangalan ang nagkasama sa iisang eskwela para sa isang misyon. At lahat sila may powers!

JIM AND ANDY: THE GREAT BEYOND (DOCU) NOV 17

Nang gumanap si Jim Carrey bilang ang namayapang komedyante na si Andy Kauffman sa pelikulang The Man On The Moon noong 1999, ay talagang tinularan niya si Andy maging sa likod ng kamera. At ikinasakit ito ng ulo ng mga nakatrabaho niya sa set. Maraming taong itinago ang mga behind-the-scenes footage ng mga pinaggagagawa ni Carrey sa paniniwalang baka makaapekto ito sa pelikula at sa career ni Jim. Ngayon ay ilalabas lahat ito sa isang documentary kasama ng mga interview kina Carrey at iba pang involved sa Kauffman biopic.

MARVEL'S THE PUNISHER (SERIES) NOV 17

Si Jon Berthal ay unang ipinakilala bilang The Punisher sa 2nd season ng Daredevil. Ngayon ang bayolenteng vigilante ay may sarili nang series. Mag-gi-guest kaya ang mga Defenders?

Paparusahan kita. Pero hindi ka magsisisi. Paano pa e, dedo ka na!


MUDBOUND (MOVIE) NOV 17

Dalawang lalaki, isang white at isang black, ang nagbalik sa Mississippi mula sa giyera. Kung akala nila ay tapos na sila sa pakikibaka may mas matindi pa silang laban na bubunuin sa pagpapatuloy ng kanilang normal na buhay.

GODLESS (SERIES) NOV 22

Hinahanap ni Frank, isang outlaw, ang dati niyang partner at ngayo'y kaaway na si Roy. Sa kanilang habulan ay napadpad sila sa La Belle, New Mexico kung saan puro babae ang nakatira.

Ngayong buwan din ang mga bagong seasons ng comedy na Lady Dynamite (Nov 10), ang pinagbibidahang petiod drama ni Jason "Aquaman" Momoa na Frontier (Nov 24), ang resurrection drama na Glitch (Nov 28) at ang huling season ng Western drama na Longmire (Nov 17).

Ihanda na ang mga kukutkutin na tsitsirya. Mahaba-habang panooran na naman ito!

HINDI LANG SI SABRINA ANG BIDA SA HULING LINGGO NG OCTOBER. PATI SI ADAM SANDLER

In the final week of October, ang obvious na bida ay ang Chilling Adventures of Sabrina. Isa na naman itong reimagining ng characters mula s...