Monday, October 30, 2017

STEPHEN KING SA NETFLIX

Kilala si Stephen King sa pagsulat ng mga nobelang katatakutan at mga psychological thrillers. Marami sa mga gawa niya ay naisalin sa pelikula at telebisyon.

Ngayon pati ang mundo ng Netflix ay pinasok na ni King, ang tinaguriang Master of Horror. Narito ang dalawang orihinal na pelikulang ginawa para sa Netflix na hango sa mga aklat ni King.

GERARD'S GAME
May lumulutang na mga letra at numero sa magkabila ko.

Lumabas ang libro nito noong 1992, at ngayon ay isa na itong made-for-Netflix film na pinagbibidahan nina Carla Gugino (Spy Kids, San Andreas) at Bruce Greenwood (Star Trek, I Robot). Kuwento ito ng mag-asawa na nagbakasyon sa isang lakehouse sa pagnanais na muling gumanda ang kanilang pagsama. At siyempre kasama na rito ang kanilang sexlife. Ngunit nang atakihin sa puso ang lalaki habang ginagawa nila ang isang sex game, naiwan si misis na nakaposas ang mga kamay sa mga poste ng kama. Paano siya makakawala bago siya tuluyang mabaliw?

1922
Okay, nakaposas na ako. Pero kailangan bang nakadagan ka pa sa akin? Huwaw! Anlupet mo tsong!

Ibinase naman ito sa novella ni King na lumabas noong 2010. Dito, isang lalaki ang pumatay sa kanyang asawa. Ngunit ito ay bumalik bilang isang multo at ginulo ang kanyang buhay.

Meron ding iba pang palabas na hango sa mga gawa ni King ang mapapanood sa Netflix. Ito ay ang mga pelikulang  Under the Dome, Secret Window, Christine, Apt Pupil, The Shining, ang two-part mini-series na Bag of Bones at ang series na The Mist.

Tuesday, October 24, 2017

NETFLIX ORIGINAL:THE BABYSITTER

Dahil Halloween season na naman ay uso muli ang mga pelikulang nakakatakot.  May mga pelikulang tungkol sa mga multo tulad ng Poltergeist at Paranormal Activity. Meron ding tungkol sa mga halimaw gaya ng The Host at Werewolf in Paris. At ang isa pang kategorya ay ang mga slasher movies o iyung ang takot ay gawa ng mga bayolenteng pagpatay dahil sa may sakit sa pag-iisip ang kriminal.

Sa huli maaaring ikategorya ang bagong orihinal na pelikula ng Netflix, ang The Babysitter.
Parang 80's poster!

Makikilala natin dito ang batang laging inaapi sa eskwela na si Colin at ang kanyang magandang yaya na si Bee. Isang gabing wala ang mga magulang niya, natuklasan niyang miyembro ng isang kulto si Yaya at sa mismong bahay nila ginawa ang isang pagpatay bilang bahagi ng kanilang ritwal. Ano ang gagawin ni Colin para mapigil ang grupong ito?
Lugi. Nakatali ako!

Bagama't nakakatakot at bayolente, ito ay isa ring comedy. Para itong more gruesome version ng Home Alone ni Macaulay Culkin. Gugulatin at ka patatawanin. Ang direktor nito ay si McG na nakilala sa pagdirek ng dalawang Charlie's Angels movies. Maaaring hindi natin kilala ang mga gumaganap pero nagawa naman nila ng maayos ang kanilang pagganap.

Maganda ang pelikula at talagang maaaliw lalo na ang mga fans ng mga suspense-thrillers. Isama ito sa inyong Halloween movie marathon.

Monday, October 23, 2017

SEASON 1 EPISODE 1: MINDHUNTER

Nagkaroon pala ng panahon na hindi binibigyang importansiya ang mga aspetong psychological sa pakikitungo sa mga kriminal lalo na yung mga pumatay.  Basta ang alam ng mga pulis ay salbahe ang mga gumawa nito at dapat parusahan.

Ngunit may 2 ahente ng FBI ang nagnais na magkaroon ng mga pag-aaral kung bakit nagagawang pumatay ng mga ito at magamit ang mga matutunan nila na para mahuli sila at para hindi maulit ang mga krimeng ito. Iyan ang kuwento ng MINDHUNTER ang bagong series sa Netflix.

Nice creepy logo
1970s ang panahon ng palabas at ang mga killers na sina Charles Manson at Son of Sam ang laman ng mga balita. Isang FBI negotiator na nagngangalang Holden Ford ang gustong mabago ang lumang sistema ng pagresolba ng mga bayolenteng murder crimes. Nakahanap siya ng kasama kay veteran agent Bill Tench. Pero magawa kaya nilang mapasang-ayon ang ibang otoridad sa kanilang nais na pamamaraan?

Wala pang smartphone, kaya printed picture muna

Ayon sa unang episode na napanood ko, ipagpapatuloy ko ba ang panonood ng Mindhunter? Oo. Bagama't wala pang barilan o habulan na nangyari (at malamang magkakaroon niyon sa mga susunod na episode), ay nakuha naman ng drama nito ang aking atensyon. Kapani-paniwala ang pagganap ng mga aktor lalo na ni Jonathan Groff bilang si Holden.

Panalo rin para sa akin ang paggamit nila ng malalaking letra para ipakilala ang isang lugarna parang style 70s talaga tulad nito.

Siguradong di ka na maliligaw


At ang direktor nito ay si David Fincher na nagdirek ng mga pelikukang patok sa takikya at sa mga kritiko tulad ng Gone Girl at The Curious Case of Benjamin Button.
Si Direk pa ang may close-up

Ang di ko lang gusto ay ang 2 sex scenes na parang di naman kailangan, ngunit nagkaroon dahil required yata na bawat original Netflix series ay may sex scene sa first episode.

Other than that, ang episode 1 ng Mindhunter ay sapat na para naisin kong mapanood pa ang ibang episodes nito.

Wednesday, October 11, 2017

NETFLIX PARA HINDI MA-OUT OF PLACE


Naranasan mo na bang makipagkuwentuhan sa ang isang grupo at biglang napunta ang usapan sa mga topic na hindi mo naiintindihan? Tulad ng bakit nagpakamatay si Hannah Baker? O iyung may relasyon si Archie at ang kanyang teacher na si Miss Grundy? Bakit Orange ang bagong Black? At sino ang mga Defenders?
Uh... mga friends? Anong channel ba iyan?
📷 cure medical center

Marahil ang mga kaibigan mo ay may Netflix at ikaw wala. E ano ba iyung Netflix?

Ang Netflix ay isang online streaming service. Kung meron kang magandang Internet, pwede ka ng magkaroon ng Netflix.

Anong mapapanood sa Netflix?  Dito ay makapapanood ka ng mga movies at tv shows. Ng legal. Iyung mga pinagkukuwentuhan ng mga kaibigan mo, sa Netflix lang mapapanood. Wala sa tv o sa cable. Dun sumikat ang Netflix, sa mga Original Movies at TV Shows. Maaaring narinig mo na sa mga umpukan o nabasa mo sa diyaryo o sa Facebook ang mga palabas na tulad ng 13 Reasons Why, Stranger Things, The Defenders, Riverdale, Narcos, at Orange is the New Black. Sa Netflix lang meron nun.

Paano ba magkaroon ng Netflix? Kailangan mo lang gumawa ng account. Pwede kang mag-open ng account sa iyong smartphone, computer o tv na may internet. Walang mahabang form na kailangang punuin. Isang email address mo lang at credit card ay meron ka nang Netflix account.
Andami namang palabas 📷digital trends

May 3 packages na pwede mong pagpilian para sa iyong account. Ang 1st package ay 370 pesos. Standard definition lang ang linaw ng mga palabas. At sa isang device ka lang pwede manood (tv, phone, computer, tablet), hindi pwede na may sumabay.

Sa 2nd package na 440 pesos, high definition (HD) na ang linaw ng mga programa. At pwede nang 2 device ang sabay na manood, kahit magkaiba ng palabas.

Ang panghuling package ay 550 pesos. HD din ang mga palabas. At hanggang 4 na device ang pwedeng magsabay-sabay. Kaya pwede nang manood si Nanay ng Star Trek sa TV, si Tatay ng Pretty Little Liars sa tablet, si Ate ng Jerry Before Seinfeld sa kanyang Samsung phone at si Bunso ng Bollywood movies sa computer. Ng sabay-sabay!

Kaya ano pang hinihintay mo? Gumawa na ng Netflix account para pasok ka na sa kwentuhan! (Or hanap ka na lang ng ibang friends!)

Wednesday, October 4, 2017

ANONG BAGO SA NETFLIX NGAYONG OCTOBER 2017


May mga bago na naman tayong aabangan na mga Netflix Original Shows and Movies ngayong October.

***Tandaan: kapag sinabing Netflix Original, ito ay produced ng Netflix at available sa lahat ng Netflix regions habambuhay (o hanggang may Netflix). May mga shows na mapapanood sa Netflix na hindi nila gawa at ang buhay nito sa Netflix ay sa kung hanggang kailan lang nakasaad sa kontrata. Kung mapagkakasunduan ng Netflix at ng mga producers ng ibang non-Netflix shows ay maaaring ma-renew ang kontrata. Maliwanag?

Buweno, simulan nating himayin kung anong mga bagong palabas ang mapapanood natin sa Netflix.

Suburra (Oct 6) Series
Ito ay isang political drama tungkol sa pagkakaugnay ng organized crime at pulitika sa Rome. Ito ang unang Italian series ng Netflix. May sampung episodes sa unang season nito.

Mindhunter (Oct 13) Series
Tungkol ito sa 2 FBI agents at ang mga kasong hawak nila na kinasasangkutan ng mga psychopaths. Para daw itong Criminal Minds na mas darker ang tono.

Adam Sandler, bida sa The Meyerowitz Stories

The Meyerowitz Stories (Oct 13) Movie
Pang-apat na pelikula na ito ni Adam Sandler sa Netflix. Malalaking artista ang mga kasama niya rito tulad nina Dustin Hoffman, Ben Stiller at Emma Thompson. Sinasabi rin nila na ito ang pinakamaganda sa lahat ng nagawa ni Sandler para sa Netflix.

1922 (Oct 20 ) Movie
Tamang-tama para sa Halloween ang pelikulang ito na halaw sa libro ni Stephen King. Tungkol ito sa confession ng isang lalaki na pumatay sa kanyang asawa at kung paano ito bumalik para guluhin ang buhay niya.

Wheelman (Oct 20) Movie
Isang getaway driver ng isang palpak na bank robbery ang kailangang magtago para sa kanyang safety at ng kanyang dalagitang anak. Kailangan din nyang malaman kung sino ang nagtraydor sa kanya na naging sanhi ng pagkagulo ng kanyang buhay.

Si Eleven, nagbabalik sa Stranger Things Season 2

Stranger Things - Season 2 (Oct 22) Series
Ang 80s-tribute horror series na isa sa biggest hit ng Netflix ay magbabalik. Buo pa rin ang barkada at ngayon ay mahaharap sila sa isang bagong pagsubok na mas matindi pa sa nakalaban nilang Demogorgon nung Season 1.

Ito pa ang ilan sa mga Netflix Originals ngayong October:

Voltron:Legendary Defenders Season 4

Patton Oswalt: Annihilation (Stand-up Comedy Special)

The Day I Met El Chapo: The Kate Del Castillo Story (Docu-series)

Kaya ihanda na ang popcorn at Halloween candies. Hindi na naman tayo mababakante sa mga bagong programa ng Netflix!

HINDI LANG SI SABRINA ANG BIDA SA HULING LINGGO NG OCTOBER. PATI SI ADAM SANDLER

In the final week of October, ang obvious na bida ay ang Chilling Adventures of Sabrina. Isa na naman itong reimagining ng characters mula s...