Tuesday, May 29, 2018

ANONG BAGO SA NETFLIX NGAYONG JUNE 2018

Tapos na ang bakasyon sa eskwela. Ilan sa atin ay nagbakasyon din mula sa trabaho. Siguradong bukod sa pasyal ay meron din sa atin na ginamit ang libreng oras para tapusin ang mga nasa "continue watching" natin sa Netflix. Pero eto at may mga ipipila na naman tayo. Iyung mga may πŸ‘icon, iyun ang mga siguradong panonoorin ko.



Streaming June 1st

November 13: Attack on Paris - Docu
Documentary mula sa salaysay ng mga surivors ng terrorist attacks sa Paris.

Streaming June 8th

Alex Strangelove — Movie

Ali’s Wedding — Movie

Marcella: Season 2 — Series

Sense8: The Series Finale

The Hollow — Animated Series

The Staircase — Docu
True crime story. Natagpuang patay si Kathleen sa ibaba ng hagdan. Aksidente? O may kinalaman ang asawa niya.

Treehouse Detectives — Animated Series

Streaming June 15th

Lust Stories — Movie
"Oo. Gagamit tayo ng curry powder"

4 na short stories tungkol sa love, sex and relationships sa India. πŸ‘

Maktub — Movie

Set It Up — Movie
Para sa Romcom fans, dalawang office assistants ang nag-set-up sa kanilang mga boss para ma-inlove sa isa't-isa. E, sila kaya? πŸ‘

Sunday’s Illness — Movie
Matapos abandonahin ng kanyang ina ilang dekada na ang nakalipas, natagpuan niya ang kanyang ina at hiniling rito na samahan siya sa isang liblib na lugar sa loob ng sampung araw.πŸ‘

The Ranch: Part 5 — Series

True: Magical Friends — Animated Series

True: Wonderful Wishes — Animated Series

Voltron: Legendary Defender: Season 6 — Animated Series

Streaming June 17th

Club de Cuervos presenta: La balada de Hugo SΓ‘nchez — Series

Streaming June 19th

Hannah Gadsby: Nanette — Comedy Special

Streaming June 22nd

Brain on Fire — Movie
Must. Not. Kick. Ass.

Isang journalist ang nagkaroon ng mental illness at nailigtas ng isang doktor. Base sa isang autobiography. Bida rito si Chloe Grace Moretz ng Kick Ass.πŸ‘

Cooking on High — Cooking Show
Cooking show na ang ingredients ay marijuana. Kung dito ito, tokhang aabutin ng mga chef!

Derren Brown: Miracle — Magic Special

Heavy Rescue: 401: Season 2 — Reality Series
Tunghayan ang trabaho ng mga miyembro ng heavy vehicle rescue and recovery team ng Ontario.

Marvel’s Luke Cage: Season 2 — Series
Di ko kamay yan. Di ako nakapangalumbaba

Matapos ang mga kaganapan sa The Defenders, ano na ang mangyayari sa buhay ni Luke Cage?πŸ‘

Us and Them — Movie
Dalawang tao ang nagkakilala sa isang tren. Nagka-ibigan pero nagkahiwalay. Makalipas ang ilang panahon ay muling nagkita. May balikan kaya? Ito ay made in China

Streaming June 24th

To Each, Her Own (Les GoΓ»ts et les couleurs) — Movie

Streaming June 26th

Secret City — Series
Isang Australian mini-series tungkol sa isang journalist na gustong i-expose ang kabalbalan ng gobyerno.

Kamau Bell: Private School Negro — Stand-up Comedy

Streaming June 29th

Churchill’s Secret Agents: The New Recruits — Series
Base sa totoong nangyari, tungkol ito sa pagrecruit at pagtrain ng mga secret agents ng Britain.πŸ‘

GLOW: Season 2 — Series
Para ito sa mga nagmamagaling na hindi nanonood ng wrestling!

Papunta na sa big-time ang nga lady wrestlers ng Glorious Ladies of Wrestling sa pagbabalik ng sports-dramedy na ito.πŸ‘

Harvey Street Kids — Animated Series

Kiss Me First — Series
Isang friendship between two girls kung saan tuturuan ng isang party girl ang isang lonely girl how to have fun.

La ForΓͺt — Series
French crime drama na parang Safe ng UK kung saan isang teenage girl din ang nawawala.πŸ‘

Nailed It!: Season 2 — Cooking Show

Paquita Salas: Season 2 — Series
Si Paquita ay bigtime talent agent nung 90s. Nang umalis ang biggest client niya, anong gagawin nya para makabangon?

Recovery Boys — Documentary
Panoorin kung paano makakarecover ang apat na dating mga drug addict.

TAU — Movie
Ang sinasabi ko sa iyo, hindi totoo iyang apoy sa fireplace. App lang iyan! Download mo din!

Excited ako sa scifi movie na ito! Isang babae ang nakulong sa isang makabagong smarthouse, isang bahay na computer-controlled. Paano siya tatakas?πŸ‘πŸ‘πŸ‘

Streaming June 30th

Fate/EXTRA Last Encore: Oblitus Copernican Theory — Anime

Tandaan na pwedeng mabago ang mga schedule. Nood na!

Saturday, May 26, 2018

MAIKLING REBYU: HAPPY

Ang buddy-cop story ay isa nang established na tema ng mga pelikulang action-comedy tulad ng Lethal Weapon at Rush Hour. Ngayon ay mayroon nang kahalintulad na kwento sa Netflix. Ito ay ang Happy.
Hindi ito Shrek.

Ang kaibahan lang nito sa ibang buddy-cop story ay hindi dalawang pulis ang magkasama.  Sa halip ang partners ay isang disgraced ex-cop turned hitman at isang asul na imaginary being na pinagsamang unicorn at donkey (isang uni-donkey)!

Nagkasama ang dalawa ng biglang magpakita si Happy, ang imaginary being, kay Sax para hingin ang tulong nito na iligtas ang kaibigan niyang batang babae na dinukot ng isang pyscho na naka Santa suit.

Pasado sa panlasa ko ang programang ito. Sapul ang palitan ng asaran nina Sax at Happy, at nakakataswa rin ang pagiging inosente ni Happy sa mga bagay na normal na para sa mga tulad ni Sax.
Isa pang magsabing Shrek ito, ipapasipa ko sa Ogre na nasa likod ko!

Marami ring action scenes si Christopher Meloni dito na gumaganap bilang Sax. Lumabas siya sa Law and Order: Special Victims Unit.  Ang nagboses naman kay Happy ay si Patton Oswalt isang kilalang stand-up comedian at nagboses kay Remy sa Ratatouille.

Siya nga pala. Bagama't may cartoon character dito ay hindi ito pambata. Napakabayolente nito at may mga sekswal na eksena.  Ang Happy ay mas ma-e-enjoy ng mga adults.

Tuesday, May 15, 2018

MAIKLING REBYU: THE NEW LEGENDS OF MONKEY

Kung isa kayo sa mga naging fans ng Hercules at Xena na pinalabas sa Channel 5 nung 90s, magugustuhan nyo ang bagong series ng Netflix na The New Legends of Monkey.

Hindi kami loveteam. Di na uso yun sabi ni Mother Lily


Tungkol ito sa isang god na nagngangalang Monkey na ikinulong ng mga demons sa isang bundok sa loob ng 500 taon at pinakawalan ng isang babaeng monk para tulungan siyang hanapin ang mga nawawalang scrolls.

Katulad ng Hercules at Xena ay hitik sa aksyon at katatawanan ang palabas. Hindi siya bayolente at magugustuhan ito ng maliliit na bata. Pero hindi naman ito masyadong pambata na ikabo-bore ng mga adults.

Ito ay remake ng Monkey na ipinalabas noong 70s sa Australia at UK.  Kung gusto nyo ay panoorin nyo rin sa YouTube ang original na pinagbibidahan ng mga Hapon para ma-enjoy nyo ang parehong bersiyon.

HINDI LANG SI SABRINA ANG BIDA SA HULING LINGGO NG OCTOBER. PATI SI ADAM SANDLER

In the final week of October, ang obvious na bida ay ang Chilling Adventures of Sabrina. Isa na naman itong reimagining ng characters mula s...