Habang dumadaan ang taon ay lalong tumitindi ang mga pasabog ng Netflix. Lalo na ngayong Marso na bukod sa mga bagong palabas, ay magbabalik ang dalawa sa kanilang pinakamagandang series. Ito ang ilan sa mga makakasama sa aking "continue watching list".
Available March 8
Marvel's Jessica Jones: Season 2 (TV Series)
![]() |
| Uutusan ko ang writer na ibalik ako sa Season 2! |
Sa pagbabalik ng superstrong sleuth, samahan natin si Jessica na alamin kung saan niya nakuha ang kanyang powers.
Available March 9
Collateral (Limited Series)
Ito ay isang BBC produced series tungkol sa isang female detective (hindi si Jessica), na iniimbestigahan ang masalimuot na katotohanan ng isang pamamaril na binabalewala agad ng komunidad.
Nailed It (Cooking Show)
Nauso sa pinterest ang term na "Nailed It!", na tumutukoy sa mga pics ng baking fails. Yung gagayahin nila yung mga magagandang cakes at madalas ay palpak ang gawa nila. Ginawa itong isang nakakatawang baking competition ng Netflix kung saan ang mga bakers lang sa bahay ay susubukang gayahin ang isang maganda at komplikadong cake para sa premyong $10,000.
Available March 13
Ricky Gervais: Humanity (Comedy Special)
Ang nakatatawa at kontrobersyal na komedyanteng si Ricky Gervais ay featured sa stand-up comedy show na ito na ginanap sa London. Excited na akong humagalpak sa mga puna ni Ricky sa siraulo nating mundo.
Available March 16
Benji (Movie)
![]() |
| Promise, mas nakakatuwang panoorin ang mga katulad kong dogs na walang voice-over |
Ang asong sumikat sa mga pelikula niya noong 70s at 80s ay may bagong version na ipalalabas sa Netflix. Senyales na rin ito ng pagpapaigting ng Netflix ng kanilang children's programming bilang paghahanda sa pagdating ng sariling streaming service ng Disney, na nagpull-out na ng kanilang mga shows sa Netflix (Damn you, Disney!) Co-producer ng Benji ang Blumhouse Productions, yung nagproduce ng mga hit horror movies tulad ng Paranormal Activity, Split, The Purge at Get Out. Pero don't worry. Adorable pa rin si Benji.
On My Block: Season 1 (TV Series)
Young adults naman ang target audience nito. Kung naibigan mo ang Everything Sucks, para sa iyo ang show na ito. Apat na magkakaibigan ang papasok bilang high school freshmen at susubukang ma-survive ang bagong chapter ng buhay nila. Marami na tayong napanood na ganitong kuwento pero tingnan natin kung anong bago ang maipapakita nila.
Available March 23
Game Over, Man! (Movie)
![]() |
| Ako ang may baril, kaya ako ang Bruce Willis dito, ok? |
Tatlong waiter ang mag -a -ala - Bruce Willis para iligtas ang pinagtatrabahuhan nilang building na hinostage ng mga terorista. Pero hindi dahil sa gusto nilang magpakabayani kundi dahil kailangan nilang iligtas ang idol nilang si Shaggy. Kasama rito si Adam Devine na nagbida sa isa pang Netflix original comedy movie na When We First Met. Tawa ako ng tawa ng mapanood ko ang trailer nito at ng patugtugin ang hit ni Shaggy na It Wasn't Me. Gusto ko na itong panoorin pero ang tagal pa ng hihintayin ko. Kainis!
A Series of Unfortunate Events: Season 2 (TV Series)
![]() |
| At gusto nyo uli akong bumalik ha? Puwes, humanda kayo! |
Ito rin ang pinakaaabangan ngayong Marso, ang pagbabalik ng Baudelaire children na patuloy sa paghanap sa katotohanan sa nangyari sa kanilang mga magulang at ng salbaheng si Count Olaf na magpapatuloy sa paggawa ng kasamaan laban sa mga bata para makuha lang ang kanilang kayamanan.





No comments:
Post a Comment