Sunday, February 4, 2018

ALTERED CARBON S1E1 REVIEW



Available na for streaming sa Netflix Philippines nitong Feb 2 ang kanilang pinagmamalaking high-budget scifi series, ang Altered Carbon. Sa unang episode pa lang ay masasabi mong para kang nanood ng pelikulang ginastusan talagi ng malaki.

Sa unang tingin ay aakalain mong sa ibang planeta ang setting ng palabas pero sa Earth din pala sa medyo malayo pang future.  Sa panahon na iyon, maaaring mabuhay ang mga namatay sa pamamagitan ng paglipat ng kanilang consciousness o kamalayan sa ibang katawan na tinatawag nilang sleeves.  Nagagawa ito dahil ang mga tao roon ay mayroong tinatawag na "stack" na nakalagay sa ibabaw ng kanilang spine, at ito ay nagsisilbing memory card na inililipat sa ibang katawan pag namatay na sila.
Ang dalawang Mr. Kovacs

Ang pangunahing tauhan ay si Takeshi Kovacs o Tak. Isa siyang Envoy, tawag sa mga highly-skilled assassin. Terorista ang unang pakilala sa kanya ng palabas sa atin.  Pero may mga flashbacks na nagpapakitang may iba pang dahilan kung bakit siya lumalaban sa mga namumuno at siguradong tatalakayin pa ito sa susunod.

Namatay si Tak sa isang raid.  250 years later ay muli siyang binuhay sa katawan ng isang puti.  Nalaman niya na siya ay pag-aari na ng mayaman at makapangyarihan na si Laurens Bancroft.  Binuhay siya ni Bancroft para mag-imbestiga at hanapin kung sino ang pumatay sa kanya (si Laurens). Kung tatanggi si Tak ay aalisin siya sa katawan at iiwan ang kanyang kamalayan na naka-pending kung saan.

Di ko na ikukuwento yung iba pang nangyari dahil gusto kong panoorin nyo ang buong episode at para malaman nyo kung gusto nyo itong tapusin katulad ko.  Basta abangan nyo lang yung eksena sa Raven Hotel na sa ganang akin ay highlight ng episode.

Gusto ko lang i-share ang ilan kong obserbasyon sa bagong mundo na ipinakikilala sa atin ng Altered Carbon.  Sa kabila ng modernong technology ng future Earth tulad ng lumilipad na kotse at virtual-reality ads, matindi pa rin ang pagkakahati ng mayayaman at mahihirap.  Ang mga pinakamayayaman ay nakatira sa matataas na lugar sa ibabaw ng mga ulap kung saan laging maganda ang panahon.  Ang mga dukha ay nasa lupa kung saan madilim at laging umuulan.  Pati sa pagbuhay ng mga namatay ay may diskriminasyon din, ang mga may-kaya ay makakapili ng magandang sleeves. Ang mahihirap ay kung ano lang ang ibigay ng gobyerno, tulad ng 7-year-old girl na nilagay sa katawan ng matandang babae.

Nakakatuwa na meron pa ring Simbahan sa panahon na ito, at kinokondena nito ang ka-imoralan ng paggamit ng katawan ng iba para mabuhay muli. Hindi ito nalalayo sa paglaban ng Simbahan sa mga nagnanais ng aborsiyon at diborsyo sa ating bansa.

Hindi ako mapapahiyang irekomandang panoorin nyo ang unang episode ng Altered Carbon dahil nag-enjoy talaga ako. Ngunit kung maganda ba ang buong season, ay malalaman nyo rin sa akin.

Kaya't huwag nang mag-atubili. Isama na ang Altered Carbon sa inyong continue watching list!




No comments:

Post a Comment

HINDI LANG SI SABRINA ANG BIDA SA HULING LINGGO NG OCTOBER. PATI SI ADAM SANDLER

In the final week of October, ang obvious na bida ay ang Chilling Adventures of Sabrina. Isa na naman itong reimagining ng characters mula s...