Saturday, February 24, 2018

ANONG BAGO SA NETFLIX NGAYONG MARSO 2018



Habang dumadaan ang taon ay lalong tumitindi ang mga pasabog ng Netflix. Lalo na ngayong Marso na bukod sa mga bagong palabas, ay magbabalik ang dalawa sa kanilang pinakamagandang series. Ito ang ilan sa mga makakasama sa aking "continue watching list".

Available March 8

Marvel's Jessica Jones: Season 2 (TV Series)

Uutusan ko ang writer na ibalik ako sa Season 2!

Sa pagbabalik ng superstrong sleuth, samahan natin si Jessica na alamin kung saan niya nakuha ang kanyang powers.

Available March 9

Collateral (Limited Series)
Ito ay isang BBC produced series tungkol sa isang female detective (hindi si Jessica), na iniimbestigahan ang masalimuot na katotohanan ng isang pamamaril na binabalewala agad ng komunidad.

Nailed It (Cooking Show)
Nauso sa pinterest ang term na "Nailed It!", na tumutukoy sa mga pics ng baking fails. Yung gagayahin nila yung mga magagandang cakes at madalas ay palpak ang gawa nila.  Ginawa itong isang nakakatawang baking competition ng Netflix kung saan ang mga bakers lang sa bahay ay susubukang gayahin ang isang maganda at komplikadong cake para sa premyong $10,000.

Available March 13

Ricky Gervais: Humanity (Comedy Special)
Ang nakatatawa at kontrobersyal na komedyanteng si Ricky Gervais ay featured sa stand-up comedy show na ito na ginanap sa London. Excited na akong humagalpak sa mga puna ni Ricky sa siraulo nating mundo.

Available March 16

Benji (Movie)
Promise, mas nakakatuwang panoorin ang mga katulad kong dogs na walang voice-over

Ang asong sumikat sa mga pelikula niya noong 70s at 80s ay may bagong version na ipalalabas sa Netflix. Senyales na rin ito ng pagpapaigting ng Netflix ng kanilang children's programming bilang paghahanda sa pagdating ng sariling streaming service ng Disney, na nagpull-out na ng kanilang mga shows sa Netflix (Damn you, Disney!) Co-producer ng Benji ang Blumhouse Productions, yung nagproduce ng mga hit horror movies tulad ng Paranormal Activity, Split, The Purge at Get Out. Pero don't worry. Adorable pa rin si Benji.

On My Block: Season 1 (TV Series)
Young adults naman ang target audience  nito.  Kung naibigan mo ang Everything Sucks, para sa iyo ang show na ito. Apat na magkakaibigan ang papasok bilang high school freshmen at susubukang ma-survive ang bagong chapter ng buhay nila.  Marami na tayong napanood na ganitong kuwento pero tingnan natin kung anong bago ang maipapakita nila.

Available March 23

Game Over, Man! (Movie)
Ako ang may baril, kaya ako ang Bruce Willis dito, ok?

Tatlong waiter ang mag -a -ala - Bruce Willis para iligtas ang pinagtatrabahuhan nilang building na hinostage ng mga terorista.  Pero hindi dahil sa gusto nilang magpakabayani kundi dahil kailangan nilang iligtas ang idol nilang si Shaggy. Kasama rito si Adam Devine na nagbida sa isa pang Netflix original comedy movie na When We First Met. Tawa ako ng tawa ng mapanood ko ang trailer nito at ng patugtugin ang hit ni Shaggy na It Wasn't Me. Gusto ko na itong panoorin pero ang tagal pa ng hihintayin ko. Kainis!

A Series of Unfortunate Events: Season 2 (TV Series)
At gusto nyo uli akong bumalik ha? Puwes, humanda kayo!

Ito rin ang pinakaaabangan ngayong Marso, ang pagbabalik ng Baudelaire children na patuloy sa paghanap sa katotohanan sa nangyari sa kanilang mga magulang at ng salbaheng si Count Olaf na magpapatuloy sa paggawa ng kasamaan laban sa mga bata para makuha lang ang kanilang kayamanan.

Sunday, February 4, 2018

ALTERED CARBON S1E1 REVIEW



Available na for streaming sa Netflix Philippines nitong Feb 2 ang kanilang pinagmamalaking high-budget scifi series, ang Altered Carbon. Sa unang episode pa lang ay masasabi mong para kang nanood ng pelikulang ginastusan talagi ng malaki.

Sa unang tingin ay aakalain mong sa ibang planeta ang setting ng palabas pero sa Earth din pala sa medyo malayo pang future.  Sa panahon na iyon, maaaring mabuhay ang mga namatay sa pamamagitan ng paglipat ng kanilang consciousness o kamalayan sa ibang katawan na tinatawag nilang sleeves.  Nagagawa ito dahil ang mga tao roon ay mayroong tinatawag na "stack" na nakalagay sa ibabaw ng kanilang spine, at ito ay nagsisilbing memory card na inililipat sa ibang katawan pag namatay na sila.
Ang dalawang Mr. Kovacs

Ang pangunahing tauhan ay si Takeshi Kovacs o Tak. Isa siyang Envoy, tawag sa mga highly-skilled assassin. Terorista ang unang pakilala sa kanya ng palabas sa atin.  Pero may mga flashbacks na nagpapakitang may iba pang dahilan kung bakit siya lumalaban sa mga namumuno at siguradong tatalakayin pa ito sa susunod.

Namatay si Tak sa isang raid.  250 years later ay muli siyang binuhay sa katawan ng isang puti.  Nalaman niya na siya ay pag-aari na ng mayaman at makapangyarihan na si Laurens Bancroft.  Binuhay siya ni Bancroft para mag-imbestiga at hanapin kung sino ang pumatay sa kanya (si Laurens). Kung tatanggi si Tak ay aalisin siya sa katawan at iiwan ang kanyang kamalayan na naka-pending kung saan.

Di ko na ikukuwento yung iba pang nangyari dahil gusto kong panoorin nyo ang buong episode at para malaman nyo kung gusto nyo itong tapusin katulad ko.  Basta abangan nyo lang yung eksena sa Raven Hotel na sa ganang akin ay highlight ng episode.

Gusto ko lang i-share ang ilan kong obserbasyon sa bagong mundo na ipinakikilala sa atin ng Altered Carbon.  Sa kabila ng modernong technology ng future Earth tulad ng lumilipad na kotse at virtual-reality ads, matindi pa rin ang pagkakahati ng mayayaman at mahihirap.  Ang mga pinakamayayaman ay nakatira sa matataas na lugar sa ibabaw ng mga ulap kung saan laging maganda ang panahon.  Ang mga dukha ay nasa lupa kung saan madilim at laging umuulan.  Pati sa pagbuhay ng mga namatay ay may diskriminasyon din, ang mga may-kaya ay makakapili ng magandang sleeves. Ang mahihirap ay kung ano lang ang ibigay ng gobyerno, tulad ng 7-year-old girl na nilagay sa katawan ng matandang babae.

Nakakatuwa na meron pa ring Simbahan sa panahon na ito, at kinokondena nito ang ka-imoralan ng paggamit ng katawan ng iba para mabuhay muli. Hindi ito nalalayo sa paglaban ng Simbahan sa mga nagnanais ng aborsiyon at diborsyo sa ating bansa.

Hindi ako mapapahiyang irekomandang panoorin nyo ang unang episode ng Altered Carbon dahil nag-enjoy talaga ako. Ngunit kung maganda ba ang buong season, ay malalaman nyo rin sa akin.

Kaya't huwag nang mag-atubili. Isama na ang Altered Carbon sa inyong continue watching list!




HINDI LANG SI SABRINA ANG BIDA SA HULING LINGGO NG OCTOBER. PATI SI ADAM SANDLER

In the final week of October, ang obvious na bida ay ang Chilling Adventures of Sabrina. Isa na naman itong reimagining ng characters mula s...