Mahigit 50 na mga bagong series, movies, docus at seasons ang handog ng Netflix ngayong simula ng -ber months. Ngayon naman siguro ay alam nating IMPOSIBLE nating mapanood lahat iyan. Kaya dapat tayong matutong mamili ng mga programang di magsasayang ng oras natin. Kaya sa ibaba ang listahan ng mga bago sa Netflix at naka-highlight ang mga gusto kong panoorin.
Streaming September 1st
Cathedral of the Sea — Spanish Period Drama
Sa Barcelona noong 16th century isang malaking simbahan ang itatayo, kasabay ng buhay ng isang slave na tumakas para maging free man.
Monkey Twins
Mr. Sunshine
Sisters
Streaming September 3rd
A Taiwanese Tale of Two Cities— Taiwan Drama Series
Ano ang pagkakaiba at pagkakahawig ng buhay ng mga Taiwanese sa Taipei at ng mga kababayan nila sa San Francisco?
Streaming September 7th
Atypical: Season 2
Cable Girls: Season 3
City of Joy
First and Last
Marvel’s Iron Fist: Season 2 -Series
I like Season 1, so boo all you haters. Sa season 2, dalawang Iron Fists ang maglalaban!
Next Gen - Animated Movie
Parang Big Hero 6 or Wall-E. Mukha namang promising ang trailer. Who doesn't want a funny robot cartoon?
Sierra Burgess Is A Loser - Movie
Stretch Armstrong & the Flex Fighters: Season 2
The Most Assassinated Woman in the World
- Movie
Streaming September 11th
Daniel Sloss: Live Shows
The Resistance Banker - Movie
Streaming September 12th
Life
On My Skin - Movie
Streaming September 14th
American Vandal: Season 2
Bleach -Movie
Live action version ng anime na inaayawan na ng mga anime fanboys. I'm so in.
Boca Juniors Confidential
BoJack Horseman: Season 5
Car Masters: Rust to Riches
Ingobernable: Season 2
Last Hope
Norm Macdonald has a Show
Super Monsters Monster Party: Songs
The Angel— Movie
The Dragon Prince -Animated Series
The Land of Steady Habits— Movie
The World’s Most Extraordinary Homes: Season 2 Part A
Streaming September 18th
D.L. Hughley: Contrarian
Streaming September 21st
Battlefish
DRAGON PILOT: Hisone & Masotan - Anime
Hilda - Cartoon
Maniac: Limited Series—
Nakita ko na yung trailer at di ko pa rin alam kung tungkol saan ito. Sasakit yata ang ulo ko dito.
Nappily Ever After -Movie
Quincy— Documentary
Docu tungkol kay music icon Quincy Jones
The Good Cop -Comedy Series
Starring sina Tony Danza at Josh Groban, bilang mag-amang pulis na magkaiba ang estilo ng pagseserbisyo.
Streaming September 26th
Norsemen: Season 2
Streaming September 28th
Chef’s Table: Volume 5
El Marginal: Season 2
Forest of Piano— Anime
Hold the Dark— Movie
Isang retired wolf expert ang tutulong para mahanap ang isang batang kinuha ng mga wolves.
Jack Whitehall: Travels with My Father: Season 2
Lessons From A School Shooting: Notes from Dunblane
Lost Song -Anime
Made in Mexico
Reboot: The Guardian Code: Season 2
Skylanders Academy: Season 3
The 3rd Eye— Movie
Two Catalonias— Movie
As usual, schedules are subject to change. Meron na ring nangyari na Netflix original na hindi available sa Pilipinas.
Tuesday, August 28, 2018
Friday, August 24, 2018
MATUTO NG IBANG WIKA SA NETFLIX
Tayong mga Filipino ay marunong mag-English, ito ang lamang natin sa ibang bansang Asyano. Pero sa panahon ngayon ng globalisasyon, maraming mga mauunlad na bansa ang may mamamayan na hindi gaanong bihasa sa pagsalita ng Ingles. At kadalasan ito ang mga bansa na pinupuntahan natin para magtrabaho o mamasyal.
Kaya tama lang na matuto tayo ng ibang language bukod sa English. Lalo na iyung wika ng mga bansang gusto nating puntahan tulad ng Japan o Germany o India. Maraming apps ang puwedeng idownload tulad ng Duolingo o Memrise na nagtuturo ng iba't-ibang lengguwahe.
Isa pang paraan para matuto ng ibang lenggwahe ay ang pagbabasa ng mga libro o comics na isinulat sa language iyon. Ang isa pa ay ang panonood ng mga pelikula o TV shows na ang binibigkas ay ang lengguwaheng gustong matutunan.
Dito makakatulong ang Netflix. Meron silang napakaraming palabas mula sa iba't-ibang bansa, at siguradong may matatagpuan ka sa language na gusto mong matutunan. Gamitin ang subtitles option para palitan ang dialog at subtitles. Halimbawa kung Spanish ang palabas, gawing Spanish ang dialog at English ang subtitles. Tapos panoorin muli ang palabas at gawin namang English ang dialog at Spanish ang subtitles. At puwede mo ring subukang parehong Spanish ang dialog at subtitles.
Mainam din na mamili ng mga programa na maganda talaga para dobleng sulit. Dekalidad na ang palabas, natulungan ka pa sa inaaral mong language.
May ilan akong mairerekomenda. Kung Spanish ang inaaral, puwede mong panoorin ang crime thriller na Money Heist, ang time-travel adventure na The Ministry of Time o ang period drama na Cable Girls.
Kung French naman, panoorin ang spy comedy na A Secret Service, ang La Mante o ang The Forest.
Kung gusto mong matutong mag-Japanese, andaming Anime sa Netflix tulad ng Kakeguri, Devilman Crybaby at Violet Evergarden. May live-action din tulad ng romcom na Good Morning Call, time-bending drama Erased at reality show na Terrace House.
Pag Chinese naman, subukan ang King's War, All Quiet in Peking at meron ding mga classic martial arts movies. Panoorin din ang On Children, ang sagot ng Taiwan sa Black Mirror.
Madami ring Korean shows dito kung gusto mong marinig at matutunan iyung actual na salitang Koreano at hindi iyung dinub sa Tagalog. I-try ang A Korean Odyssey, Something in the Rain, at Prison Playbook.
Maghanap lang sa Search ng Netflix at malamang may makikita kang palabas sa wikang gusto mo.

Subscribe to:
Comments (Atom)
HINDI LANG SI SABRINA ANG BIDA SA HULING LINGGO NG OCTOBER. PATI SI ADAM SANDLER
In the final week of October, ang obvious na bida ay ang Chilling Adventures of Sabrina. Isa na naman itong reimagining ng characters mula s...
-
Ngayong Mayo magpapatawa sina (clockwise) Kimmy, Carol, Martin & Martin! Parang buwan ng komedya ngayong Mayo sa Netflix. Ang mga b...
-
Kung ang hilig nyo ay mga programang mystery-suspense at iyung tipong may pagka-soap opera, subukan ninyong panoorin ang Safe. Ang kwent...
-
Marami sa atin ang excited sa year 2018, dahil ang mga Netflix series na kinagiliwan natin ay magbabalik. Ano na ba ang mga balita sa kanil...