Saturday, July 28, 2018

MGA BAGONG NETFLIX ORIGINALS PARA SA AUGUST 2018

Wow! Ang daming bagong naka-line-up ang Netflix para sa August. At tiyak na merong aabangan ang bawat miyembro ng pamilya. Maraming cartoons na pambata at meron ding cartoons na "for adults only". May horror series mula sa India. Andami ring crime series at docus. At ngayong buwan din ang daming bagong original movies na ka-abang-abang! Babalik din ang Byrde family! Iyung mga trip ko may πŸ‘ icon.

Streaming August 1st

Changing partners?

Switched— SeriesπŸ‘
Perfect na ang buhay ng popular high schooler na si Azumi, pero mahiwagang nagkapalit sila ng katawan ng isang inggiterang kaklase. At ayaw nitong ibalik ang katawan niya! Crisan, ikaw ba iyan?

Streaming August 3rd

Brij Mohan Amar Rahe— Movie
Isang shopkeeper na walang swerte sa buhay ang kailangang mamili between life and death.

Cocaine Coast— Movie
Noong 1980s isang mangingisda sa Spain ang yumaman sa pagiging cocaine smuggler.

Dinotrux Supercharged: Season 3— Animated Series
Dinosaurs na mukhang trucks. For your kids. Gawa ng Dreamworks.

I AM A KILLER— Docu SeriesπŸ‘
Series of interviews sa mga convicted murderers.

We're in a good place, right?

Like Father— MovieπŸ‘
Matapos iwanan ng kanyang groom sa altar ng kanilang kasal, natagpuan na lang ng bride ang sarili niya na kasama niya sa dapat sana ay honeymoon cruise niya ang kanyang tatay na nang-iwan sa kanilang mag-ina. Isa itong dramedy kasama sina Kristin Bell ng The Good Place at Kelsey Grammer ng Frasier.

Marching Orders— Docu Series
Panoorin ang kwento ng popular college marching band na Bethane Cookman University

Streaming August 4th

Flavors of Youth: International Version– Anime MovieπŸ‘
Napanood ko na ang trailer pero di ko pa rin alam kung tungkol saan ito pero mukhang madrama ito.

Streaming August 9th

Perdida– Movie
Isang pulis ang muling hahanapin ang kaibigang nawala nung bata pa sila.

Streaming August 10th

72 Dangerous Animals: Asia— Docu SeriesπŸ‘
Sa Asia naman tayo maghahanap ng mga pinakamapanganib na mga hayop.

Afflicted– Documentary
Pitong tao na may malalalang sakit ang maghahanap ng kasagutan at lunas.

No, you're pulling my leg. Andrew E copied that song?

All About the Washingtons— Comedy SeriesπŸ‘
Isang rap superstar ang nag-retire para maging ganap na family man.

Demetri Martin: The Overthinker— Stand-up Comedy

Suck it, petitioners!

Insatiable— Comedy SeriesπŸ‘
Fat girl gets thin and gets her revenge. BAKIT NAGWAWALA ANG MGA SNOWFLAKES?!

La casa de las flores— Comedy SeriesπŸ‘
Mukhang normal naman ang pamilyang nagmamay-ari ng isang tanyag na flower shop. Ngunit meron pala silang tinatagong madilim na sikreto.

Million Pound Menu— Competition Series
Mula sa BBC 2, mabibigyan ng pagkakataon ang mga magaling sa kusina na maitayo ang mga pangarap nilang resto - kung maiimpress nila ang mga investors!

We're gonna give you the feels no loveteam movie can give you

The Guernsey Literary and Potato Peel Pie Society— MovieπŸ‘
Isang female writer ang naging close sa mga taga-Guernsey nang isulat niya ang book club na tinatag nila noong World War II. At nahulog ang loob niya sa isang binata doon. Kaya lang may mga komplikasyon. Magandang kombinasyon ng romance at historical fiction ang period movie na ito.

Someone made the cut!

The Package— MovieπŸ‘
Sa comedy na ito, isang grupo ng mga teenagers ang nag-camping. Ngunit isang aksidente ang puputol sa kasiyahan nila ng ang isa sa kanila ay maputulan! Alamin kung ano ang naputol!

The Ponysitters Club— Kids Series
Para sa inyong mga animal-loving kids itong series tungkol sa mga batang nagsama para mag-alaga ng mga horses at ponies.

Voltron: Legendary Defender: Season 7— Animated Series
Si Voltron. Kilala nyo na siya. Mula sa Dreamworks

Zion— DocumentaryπŸ‘
Isinilang siyang walang legs pero nagpursige pa rin si Zion na maging amateur wrestler.

Streaming August 17th


Homer would love it here

Disenchantment— Adult Animated SeriesπŸ‘
Isang prinsesang manginginom, ang makulit niyang dwende at ang kanyang personal demon at ang kanilang mga misadventures. Mula kay Matt Groening, ang gumawa ng The Simpsons at Futurama.

Magic for Humans— Magic Series
Bida si Justine Williams na gagawa ng street magic at iba pa.

Pinky Malinky— Animated Series
Nagsasalitang hotdog. Ano na naman ang naisip ng Nickelodeon?

Spirit Riding Free: Season 6— Kids Series
Wow! 6th season na nitong isa pang Dreamworks cartoon na tungkol sa kabayong si Spirit.

Stay Here— Lifestyle Series
Panoorin kung paanong ang mga small-time properties ay pabobonggahin ng show na ito.

The Motive– MovieπŸ‘
Para makagawa ng libro, mamanipulahin ng isang writer ang mga buhay ng mga kapitbahay niya para magsilbing kwento ng isusulat niya.

My letters got sent! But how? The post office's been closed for years!

To All The Boys I’ve Loved Before— MovieπŸ‘
Anong gagawin mo kung ang mga secret love letters mo ay misteryosong natanggap ng mga sinulatan mo?

Ultraviolet— SeriesπŸ‘
Isang grupo ng mga amateur detectives ang magso-solve ng mga kasong hindi maresolba ng mga pulis. Mula sa Poland

Streaming August 19th

The Investigator: A British Crime Story: Season 2— Docu Crime Series
Isa na namang kaso ang bubusisiin sa mala-Imbestigador na palabas na ito. Minus Mike Enriquez.

Streaming August 23rd

Deadwind– Series
Isa na naman itong detective series na ang lead ay female na may emotional baggage, parang Marcella ng UK. Mula naman ito sa Finland.

Follow This— Docu SeriesπŸ‘
Gawa ng Buzzfeed. Baka may matutunan tayo. O baka wala. Parang mga Youtube videos nila. Mas mahaba nga lang.


Streaming August 24th

Ask the StoryBots: Season 2— Kids Animated Educational Series
May mga bagong tanong na sasagutin ang mga makukulit na Storybots

Bert Kreischer: Secret Time— Stand-up Comedy

Let me give you a hand

Ghoul— SeriesπŸ‘
Horror series mula sa India. Ano ang misteryo ng isang preso na malalaman ng kanyang mga interrogator?

The After Party— Movie
 Nang mag-viral ang video ng isang aspiring rapper, sumikat siya pero di sa paraan na ninais niya. Sa tulong ng isang kaibigan susubukan niyang bumawi.

This maybe weird at first but like what that PBA player said, it's 2018, - get used to it!

The Innocents— SeriesπŸ‘
Tumakas ang dalawang magkasintahan para magsama. Ngunit meron palang kakaibang kakayahan ang dalaga. At sino ang mga humahabol sa kanila?

Trolls: The Beat Goes On!— Kids Animated Series
Isa uling cartoon mula sa Dreamworks. Bida ang mga cute(?) little trolls!

Streaming August 31st

Inside the Criminal Mind– Docu SeriesπŸ‘
Isa na namang true crime series kung saan tatalakayin ang mga nasa isip ng mga kriminal. Obsession mo ba ito, Netflix?

Ok kids, time for money laundering 102

Ozark: Season 2— SeriesπŸ‘
Speaking of crime, muli nating kamustahin ang buhay ng isang money launderer at ang kanyang pamilya na may panganib pa rin ang mga buhay mula sa cartel.

Paradise PD— Adult Animated Series
Isa na namang cartoon na hindi for kids tungkol sa mga palpak na pulis. Mula sa Brickleberry team. Another obsession of Netflix.

The Comedy Lineup: Part 2 - Stand-up Comedy
2nd batch ng mga trying hard comedians. 15 minutes lang ha?

The Laws of Thermodynamics– MovieπŸ‘
Puwede mo bang sisihin ang science kung bakit palpak ang lovelife mo? Iyan ang gagawin ng isang  scientist na bigo sa pag-ibig. Mula sa Spain.

Ultimate Beastmaster: Survival of the Fittest— Competition Series
Mga bagong contestant sa pinakamalupit na obstacle course.

Undercover Law– Series
Isa na namang crime and investigation show pero kulang pa ang info ko dito so stay tune for updates.

Tandaan na maaari pang magbago ang schedule.

Friday, July 20, 2018

THE WEEKNIGHTS' NETFLIX MOVIE MARATHON July 20 2018

Isang bagay na malabong magagawa ko ay ang maghunting sa gubat.  Wala naman akong mahahanap na usa sa siyudad? Kaya dadaanin ko na lang sa panonood sa Netflix ng mga kuwento tungkol dito. At isa pa, parang di ko rin naman gusto na pumatay ng hayop kaya wag na lang.

Tatlong magkakaibang pelikula pero may pagkakahawig ang sabay na lumabas sa Netflix.  Lahat sila ay may mga tema na patungkol sa pangangaso. Tungkol din sila sa relasyon ng pamilya. At lahat sila ay may setting sa forests.


Sa The Legacy of a Whitetail Deer Hunter, isa itong comedy tungkol sa isang celebrity deer hunter ang gagawa ng bagong video kung saan tuturuan niyang maghunt ang kanyang binatilyong anak, kasabay na rin ang pakikipagbonding.


Ang Spanish drama naman na The Skin of The Wolf ay naganap sa Spain noong early 20th century . Isang mangangaso na mag-isang naninirahan sa isang inabandonang mountain village ang nagdesisyong mag-asawa.


Isa namang cartoon ang White Fang, halaw sa klasikong nobela ni Jack London tungkol sa pakikipagsapalaran ng isang wolf cub at ang paghahanap niya ng sense of belonging.  Hindi man ito tunay na tungkol sa hunting pero dahil may wolves at sa wild ang setting e may connect na rin sa dalawang unang pelikula.

Kaya mag-movie marathon na this weeknight kasama ang pamilya.  Simulan sa White Fang na pambata. Kasunod ang The Legacy of a Whitetail Deer Hunter na medyo PG. At sa huli, patulugin na ang mga bata bago panoorin ang The Skin of The Wolf na R rated.

HINDI LANG SI SABRINA ANG BIDA SA HULING LINGGO NG OCTOBER. PATI SI ADAM SANDLER

In the final week of October, ang obvious na bida ay ang Chilling Adventures of Sabrina. Isa na naman itong reimagining ng characters mula s...