February 2
![]() |
| Tapos nang Pasko, andami pang Christmas lights |
Altered Carbon (TV Series)
Sa future ang patay ay maaari muling mabuhay sa pamamagitan ng paglipat ng consciousness nito sa ibang katawan through digital means. Isang dating sundalo ang binuhay upang alamin kung sino ang pumatay sa richest man on Earth na nabubuhay ngayon sa ibang katawan. Itong sci-fi series na ito ang pinakaaabangan at pinakapinag-uusapan sa social media. Ito na ang must-watch event ng buwan.
February 9
Fate/Apocrypha-Season 2 (TV Series/Anime)
Ang pagpapatuloy ng labanan ng Red at Black masters at kanilang mga servants para sa Holy Grail na tutupad sa kanilang mga wishes.
The Ritual (Movie)
Apat na magkakaibigan ang nagtrekking sa gubat ng Scandinavia. Ngunit napadpad sila sa isang ancient forest kung saan may nagbabadyang magpapahamak sa kanila.
When We First Met (Movie)
Isang lalaki ang nabigyan ng opportunity na mala-Groundhog Day na bumalik ng maraming ulit sa nakaraan para mapaibig ang babaing inilagay siya sa friendzone! Bida rito si Alexandra Daddario ng Baywatch movie.
February 14
Love Per Square Foot (Movie)
Nagpakasal ang isang lalaki at isang babae para makabili ng tirahan sa Mumbai, ang lugar na pinapangarap nila. Ito ang unang mainstream movie ng India na ginawa para sa Netflix.
Greenhouse Academy-Season 2 (TV Series)
Ang continuation ng kwento ng magkapatid na namatayan ng inang astronaut at pumasok sa isang school kung saan nagkahiwalay sila at napunta sa magkaribal na school teams.
February 15
Re:Mind (TV Series)
Sa Japanese series na ito 12 babaing high school students ang nagising na lang na magkakasamang nakakulong sa isang misteryosong lugar.
February 16
![]() |
| Walang cellphone, walang internet, walang FB. Pero mas masaya |
Everything Sucks (TV Series)
Isa rin ito sa inaabangan ngayong buwan lalo na nang maipalabas ang trailer. Ang setting ng comedy na ito ay sa isang high school sa Oregon noong 1990s, ang panahon na wala pang smartphones, Internet at Netflix. Andaming 90s kids ang makakarelate sa kalokohan ng mga batang bida dito.
Irreplaceable You (Movie)
Nang malaman ni Abbie na may cancer siya, naisipan niyang hanapan ng babae ang kanyang fiancè na si Sam.
February 18
The Joel McHale Show (Comedy)
Naaalala nyo ba si McHale, yung dating host ng The Soup? Ngayon, sa Netflix na niya ipapakita ang kanyang brand of comedy sa isang talk/commentary show.
February 21
Forgotten (Movie)
Ang kwento ng Korean drama na ito ay umiikot sa dalawang magkapatid. Kinidnap ang kuya sa unang araw nila sa kanilang bagong bahay. Nang ito'y makabalik, nagkaroon ito ng amnesya at nagpakita ng mga kakaibang pag-uugali.
February 23
Marsielles-Season 2 (TV Series)
Ang French political drama na pinagbidahan ni Gerard Depardeau ay nagbabalik.
Mute (Movie)
Sa Berlin, forty years from now, isang pipi na bartender ang hahanapin ang nawawala niyang girlfriend.
Seven Seconds (TV Series)
Ito ay isang politically charged crime drama na sapul na sapul ang mainit sa racial issues na nagaganap sa US ngayon. Isang itim na binatilyo ang nadisgrasya ng sasakyan ng isang puting pulis, iniwan itong mamatay at sinubukang pagtakpan ang krimen. Katarungan ang hangad ng mga naulilang magulang.
February 27
Marlon Wayans: Woke-ish ( Comedy)
Ang isa sa mga komedyanteng Wayans brothers ay magbibida sa kanyang unang comedy special mula nang sumabak siya sa stand-up comedy.
Tandaan: maaaring magbago ang mga scheds!








