Tuesday, November 6, 2018

HINDI LANG SI SABRINA ANG BIDA SA HULING LINGGO NG OCTOBER. PATI SI ADAM SANDLER

In the final week of October, ang obvious na bida ay ang Chilling Adventures of Sabrina. Isa na naman itong reimagining ng characters mula sa Archie comics. At di tulad ng NAPAKABORING na Riverdale, ay mas entertaining ang Sabrina. Pero siyempre, nandiyan pa rin ang mga cliches ng American programs na gawa ng Netflix.

Anyway, meron din iba pang Netflix Originals na magaganda rin at sana ay bigyan nyo ng tsansa.

Unahin ko na ang nakatatawang live stand-up comedy performance ni Adam Sandler sa Adam Sandler: 100% Fresh. Don't miss this one.

Maganda rin yung docuseries na Terrorism Close Calls. Ikinukuwento rito ang mga attempts ng acts of terrorism na napigilan ng mga opisyal.

Subukan din ang Spanish light comedy na Jefe tungkol sa isang boss na tutulungan ng isang janitress na maresolba ang mga problema niya sa pamilya at trabaho.

Try nyo rin ang Girl From Nowhere ng Thailand. Tungkol ito sa isang misteryosong female student na nagpapalipat-lipat ng school para ibulgar ang mga iskandalo ng mga paaralan na iyon.

At ang isa pang magandang panoorin ay ang Gun City ng Spain. Isa itong political action-drama tungkol sa isang pulis mula Basque na naipit sa magulong civil war sa 1920 Barcelona.

Marami ding mga bagong pelikula ang available ngayon. Ito ay ang Fences, Radio, Batman Ninja, Home Alone 1 and 2, Alien, Zathura, Geronimo: An American Legend, Carrie, Taxi, Zombieland, The Book of Life, A Love Story, 28 Weeks Later at The Beach.


HINDI LANG SI SABRINA ANG BIDA SA HULING LINGGO NG OCTOBER. PATI SI ADAM SANDLER

In the final week of October, ang obvious na bida ay ang Chilling Adventures of Sabrina. Isa na naman itong reimagining ng characters mula s...